Ngayong lumipas na ang temang nakasanayan Silip banayad sa kahapong dagliang dumaan Pikit man ang mata, alaala naman ay pabulong Hikahos sa hanging hindi naman tunay na yumao
Niyaring tinapos ang kasalukuyan sa halina't Imahe ng kapayapaan sa kabilang daungan Lingid sa ibabaw ng katinuan na ang bangka Lumutang man ay di masasakyang tuluyan
Bigkas ay mga hikbi sa bawat pagsulong Hanggat ang biyak ay hindi tuluyang magtagpo Sa harap ng dahas at galit ng ilog sa pagitan Paglubog ng liwanag ay syang di maiiwasan
Niyaring tinapos ang kasalukuyan sa halina, Silip banayad sa kahapong dagliang dumaan Sa harap ng dahas at galit ng ilog sa pagitan Pagkalunod sa sariling luha'y syang di iiwasan