Gusto kong gumawa ng kanta pero hindi ko alam paano sisimulan
Gusto kong magsulat ng tula pero hindi ko alam ang tamang salita para magsimula
Gusto kong kumanta pero hindi ko kayang abutin ang mga gusto kong awitin
Gusto kong sumayaw pero wala akong lakas para humataw
Gusto kong gumuhit at magpinta ngunit hindi ako kasing galing ng iba
Ang dami kong gustong gawin at aralin ngunit hindi ko magawa dahil ang daming kulang sa akin
Ni hindi ko alam kung may iaangat pa ba ang talento ko Baka hanggang dito nalang kasi talaga ang kakayahan ko Baka nga naniwala lang ako sa ilusyon na magaling ako
Kasi ang totoo ay hindi ako mahusay Hindi ako matalino