Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#ako
Gusto kong gumawa ng kanta pero hindi ko alam paano sisimulan Gusto kong magsulat ng tula pero hindi ko alam ang tamang salita para magsimula Gusto kong kumanta pero hindi ko kayang abutin ang mga gusto kong awitin Gusto kong sumayaw pero wala akong lakas para humataw Gusto kong gumuhit at magpinta ngunit hindi ako kasing galing ng iba Ang dami kong gustong gawin at aralin ngunit hindi ko magawa dahil ang daming kulang sa akin Ni hindi ko alam kung may iaangat pa ba ang talento ko Baka hanggang dito nalang kasi talaga ang kakayahan ko Baka nga naniwala lang ako sa ilusyon na magaling ako Kasi ang totoo ay hindi ako mahusay Hindi ako matalino Sakto lang ako.
0
May 30, 2021
May 30, 2021 at 12:40 PM UTC
Sakto
Milya milya man ang layo mo, Pero sisiguraduhin kong kakayanin ko, Kakayanin ko, kakayanin natin lahat ng mga pagsubok na darating, Pagsubok na sabay nating haharapin, Pagsubok na kahit tayo ay magkalayo'y alam kong ating malalagpasan, Wala sakin kung kilo kilometro man ang layo mo, Wala sakin kung hindi kita nakakasama o nakikita, Pero sakin sapat ng alam kong mahal mo ko, At sapat ng malaman **** ikaw lang ang laman ng puso ko, Hindi ko man hawak ang iyong mga kamay, Hindi man kita mayakap gamit ang aking mga bisig, Hanggat nandito ka sa puso ko, Mananatiling ikaw hanggang dulo Mahal, Gusto kong malaman **** Kahit ilang milya o ilang kilometro ang layo mo, Wala ng papalit sayo dito sa puso ko. Hindi man ngayon, handa akong maghintay hanggang sa magtagpo tayo.
0
Feb 24, 2020
Feb 24, 2020 at 6:55 AM UTC
Mga milya
Sa isang istorya Na nagpapatunay na Mahal Kita Kwentong tayo ang lumikha , Ikaw at Ako ang nakakaunawa , Oh kay sarap ding'gin Kapag sayo nang gagaling Ngunit sa panaginip lang aasamin Tinadhana kaya ng maykapal O sagot sa aking mga dasal , Pinagtagpo bakit tila napakalayo Nagkasama bakit tila napakalabo Pagmamahal na iyong ipinaranas Lalasapin bawat oras Ikaw , Oo Ikaw Ikaw na minahal ko , Ikaw na inasam ko , ikaw na pinalangin ko , na sana'y din'gin mo Kahit na wala ako . Sadyang nakaka baliw ang mundo , Minsan nakakainsulto , Kung kailan mo natagpuan doon nasayang , Kung saan naging masaya doon biglang natapos , Kung kailan mo naramdaman ang buhay doon ka unti unting pinapatay Bakit ? Bakit ? Bakit may katapusan? Naging masaya pero bakit sandali ? Bakit kung kelan ako nakabuo ng kwento'ng tayo ang bida saka ka nawala aking istorya Iaasa pa ba sa panahon ? Isisigaw hanggang tumahan O Ipapaagos nalamang sa mga alon Hihintayin pa ba ang pagbabalik ng dati ? Noong Mahal mo ako at mahal kita , Noong sabay sa pagtawang walang humpay Mga ngiti **** pamatay Mga mata **** walang humpay na nakakapukaw ng atensyon Dating ako, ikaw, ang diyos at ang tayo Hanggang dito na lang ba ? Hanggang sa ala-ala nalang magiging masaya ? Hanggang dito nalang ba ang istorya ? Sa isang imahinasyon'g Ikaw na walang ako At tayong walang tayo?
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 7:01 AM UTC
Istorya
minahal mo ba talaga ako? oh itoy laro lang para sayo, ako ba talaga? oh may iba na. sabihin ang totoo para malaman kung meron ba talagang tayo sabihin ang totoo at wag itago pinag tagpo tayo ni tadhana pero di tayo para sa isat isa para bang laro na ikaw ang taya at kahit alam **** ayaw kung mag laro pero pinag patuloy mo
0
Nov 13, 2019
Nov 13, 2019 at 6:51 AM UTC
Ako ba?
Pag gising sa umaga, Mata mo agad ang nais makita Pagtawa mo agad ang nais marinig na tila musika sa aking tenga Yakap mo agad ang nais magsilbing init kapalit ng kapeng bagong timpla. Ang sarap gumising sa umaga. Pero lumipas ang mga araw, gabi ay tila kasing lamig na ng kapeng naiwan sa tabi. Ni hindi ko na magawang haluin at timplahin ng sapat sa aking panlasa. Mga gabing mas ninais na maging umaga hindi para muling masilayan ang iyong mga ngiti, marinig ang iyong mga tinig at maramdaman ang yong mga bisig. Mas pinipili ko nalang ang mga umaga upang makaalis at di kana muling masilayan pa. Hindi ko matiyak kung ang mga umaga ko ba ay gigisingin pa ng may malinaw na ebedensyang mahal pa kita. Hindi ko tiyak na kung ang dating malinaw ngayon ay malabo na. Ni hindi ko na masabi ang salitang mahal kita. Ngunit kung tatanungin mo ako nasan ka sa aking puso. Kaya kong sagutin na nasa loob ka parin naman nito Ngunit hindi na sayo ang buong espasyo. Kung baga sa kwarto, may naka bedspace na dito. Ginagawa ko nalang biro ang lahat ng ito pero, ito ang totoo. Hindi ko masabi ang buong kwento kasi natatakot akong mawala ka sapagkat ramdam ko parin naman ang salitang "mahalaga ka" ngunit hindi na ang salitang "mahal kita". Hindi ko magawang mag paalam at sambitin ang salitang ayokona kasi ramdam ko pa rin ang salitang ika'y mahalaga pa at hindi ko kayang makita kang lumuluha. Ngunit ang lahat ay pawang salita na lamang. Masakit aminin na sa mga panahong gusto ko ng iwan ang lahat at gumawa na ng pansariling hakbang ibang kamay ang kinuha para ako'y samahan. Masakit saking aminin na sa pagtanaw ko sa bagong umaga, sa pag ikot ko sa aking kama, hindi na ikaw ang nais makasama. At ang tanging musika na gusto kong marinig ay walang iba kung hindi ang pag "Oo" nya. At ang huling mga salitang nais kong sambitin sayo ay hanggang sa muli nating pagkikita, sana maging masaya kana sa piling ng iba.
0
Jul 12, 2019
Jul 12, 2019 at 3:20 AM UTC
Kape

Continue reading...
26
Mayroon akong gustong ibahagi sainyo Isinulat ko lamang ito para sa mga interesado Meron na kasi akong napupusuang isang tao Pero teka lang, atin-atin lamang to Di ko alam kung paano sisimulan Pero alam kong gustong-gusto nyo ng malaman Kung sino nga ba ang aking naiibigan Kaya't heto na, inyo ng matutuklasan Sya'y isang mananayaw Napaka astig ng kanyang mga galaw At talagang siya'y mahusay Habang pinapanood ang kanyang pagganap, ako'y napapa WAW! Ako'y lalo pang humanga Nung nalaman kong sya'y manlalaro din pala Pero hindi ng feelings ah! Yung larong ang gamit ay shuttlecock at raketa Marami-rami na din akong alam tungkol sa kanya Syempre! Lagi akong updated sa kwento ng buhay nya Ayokong nahuhuli sa balita, hindi naman sa pagiging chismosa Kase baka mamaya di natin alam may jowa na pala, edi nganga! Natutuwa lang ako dahil close na kami ngayon Di ko akalain na magkakaganon Kasi dati pinapangarap ko lang yon Masaya na din, pero di na ako naghahangad ng higit pa roon Marami na pala syang naka fling Kaya ako naman noon, umaasa at nag fi-feeling Nagbabaka sakaling mapapansin nya rin Ang ganda kong walang kadating-dating Lungkot lang dahil di nya pansin Na ako sa kanya'y may pagtingin Hindi ko alam kung kailangan pa bang aminin O kaya'y akin na lamang ililihim Pagkat tungkol dyan ay di ko kayang tapatin Martir na kung martir, tatahimik na lamang at titiisin Pero maiba tayo Sa mga oras na to, Di ko alam kung lalabas pa ba ako ng kwarto O magkukulong na lang dito At saka bubuksan ang pinto pag wala ng tao Malamang nabasa na to ng mga magulang ko Kaya't ihahanda ko na ang sarili ko Pagkat mamaya pag nakita nila ako, Sasalo ako ng gabot, hampas, palo Hanggang dito na lang, Damay-damay na to!
0
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 10:23 PM UTC
NADALE AKO

45
Alam ko sa sarili ko. Sobrang taba ko. Ayoko na malaki ang hinaharap ko, Kasi nahihirapan na ako. Gusto kong tumakbo at sumayaw kaso mahirap kasi ang laki ng hinaharap ko. Hindi sa proud ako pero tanggap ko na. Masarap kasi magluto ang buong pamilya ko. Pero atleast balang araw papayat din ako. Gaganda din ako. Di tulad ng maliit ang height. Pagdumating na ang panahon na pumayat ako. Who you ka saken.
0
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 9:02 AM UTC
Mataba Ako
An istorya na naisurat ngunyan asin an istorya na nakrear kasuhapon asin an istorya manungod sa kun paano hanapon an sadiri, kun pano pandangaton an kada ritmo na kasabay sa dalan kan buhay. Iyo an istorya na dae ko pagsasawaang iistorya. Ini an istoryang dae kompleto, sa likod kan mga tula, kanta na naisurat, Gabos ito para parahayon an sadiri. Hangga't yaon an kaniguan dae matatapos an istorya sa tula na sakuyang pinoonan, araaldaw akong masurat para tahuban an mga piklat sa hawak, an mga bukas na agihan sa hawak ko. Hangga't igwang pagkamoot padagos an tula na pinoonan ko. Kun gusto nindong maaraman an istorya, mahahanap nindo ito sa mga tula asin kantang naisurat ko.
0
Aug 20, 2018
Aug 20, 2018 at 1:20 AM UTC
Ako
Maglalakad na Ako palayo Palayo sa Mga ala-ala Palayo sa Nakaraan Palayo sa Ating dalawa Patungo sa Lugar na Wala na ang Ikaw at Ako.
0
Jul 18, 2018
Jul 18, 2018 at 10:41 PM UTC
Ikaw at Ako
magkaibang panig ng iisang daan nagsalubong sa iisang punto ang punto ng alanganin nating dalawa lilisan pa ba o mananatili na lamang sa bawat saglit ng sandali pinili ang dalawang bagay para sa iisang katauhan tila ba ang sakit at saya ay iniinda walang katapusang posibilidad 'oo' at 'hindi' ang dapat na makatapat ngunit bakit napupunta sa iba't ibang panig hindi na alam ang nararapat piliin sa huli, tayo ang may pananagutan sakit, tuwa, poot at galit aanhin at dadamhin ng ating kaluluwa pagod na pagod sa pag-ikot ng mundo
0
Apr 2, 2018
Apr 2, 2018 at 11:13 PM UTC
nasa pagitan
Espiritu ng Alak , Salamat sa mga pansamantalang galak, Pinawi mo ang problema sa gabing maaliwalas, Gusto ko nang iwanan ang mundo subalit salamat sa matindi **** "Tukso" Lumakas ang loob , at gusto pang ipagpatuloy ang mahina kong pulso, Ang mahina kong loob , na takot na muling masilayan ang kulay ng mundo, Dahil tapos na , tapos na ang mga Araw at Gabi naglaho na ang kulay sa mundo ko. Mga matitirang araw na kailangang ibahagi ko sa mga taong nagkulay noon ng mundo ko, At sa bandang huli darating din ang araw na maiisip nyo ko, Maiisip kung ano ang tama at mali,Mga bagay na gumugulo sa isipan nating mga tao .Teka, Bakit pa ako naririto , kung papanaw din naman sa dulo, Kumbaga nabuhay lang ako para makita nyo ang Ngiti ko hanggang sa pagpanaw ko.
0
Nov 19, 2017
Nov 19, 2017 at 11:20 AM UTC
Pansaman-G-alak
Alam mo naman sa sarili mo na gusto kita Alam mo naman sa sarili mo na wala nang iba Alam mo naman sa sarili mo na ikaw lang talaga Pero ano ba talaga ang problema? Sa bawat oras na magkasama tayo, ikaw ang nasa isip ko Sa bawat oras na magkasama tayo, walang ibang tumatakbo sa utak ko Sa bawat oras na magkasama tayo, labis na ligaya ang nararamdaman ko Pero ano ba talaga ang problema? Sa tuwing kasama kita, iba ang nasa isip mo Sa tuwing kasama kita, ibang tao ang tumatakbo sa utak mo Sa tuwing kasama kita, iba ang nararamdaman mo Ito ba? Ito ba ang problema? Ang problema, nandito naman ako pero iba ang hinahanap mo Ang problema, nandito ako sa tabi mo pero ibang tao ang nais mo Ang problema, NAGPAPAKATANGA AKO KAHIT NA ALAM KO Oo alam ko… Na siya ang gusto mo
0
Sep 1, 2017
Sep 1, 2017 at 11:52 AM UTC
Ano ba Talaga ang Problema?
Pinilit kong sabayan, ang takbo ng panahon Nagbabakasakaling malilimutan ka rin Ginawa na ang tamang desisyon Na sarili naman ang bibigyan ng pansin Sinusubukang kalimutan ang mga alaala Na magpapabalik ng aking dadamdamin Idinilat ko na ang aking mga mata Sa mga bagay na maari kong sapitin Tinahak na ang daan ng hindi ka kasama Nang hindi lumilingon pabalik sa iyong mga mata Sinubukan ko At pilit na sinusubukan Subalit ito ako, nagaantay sa dati nating tagpuan Lugar kung saan kita unang nakita at nakilala Lugar na aking kinamumuhian Dahil dito, dito mo din tinapos ang lahat Mahal, hihintayin kita Hihintayin ko ang pagbabalik mo Hihintayin ko kahit imposible naman ito Hihintayin ko na sabihin mo ulit na mahal mo ako Maghihintay ako Ngunit mahal, hindi ko maipapangako Hindi ko maipapangako na hindi ako mapapagod Hindi ko maipapangako na hindi ako dadating sa puntong aayaw ako Dahil mahal, tao din ako Gusto ko din na pahalagahan ako Gusto kong mahalin ako Yun nga lang gusto ko galing sayo Pero sabi nga nila, mahalin mo muna ang sarili mo Kaya mahal, maghihintay ako Habang minamahal ko ang sarili ko Ngunit kung hindi na kita kayang hintayin pa Sana mahal, maintindihan mo Dahil mahirap ang dinanas ko para lang makuha yang pagmamahal mo
0
Jul 21, 2017
Jul 21, 2017 at 6:49 AM UTC
Maghihintay ako
Kadilima'y bumalot, Mata'y di makakita, Ang sarili'y natakot, Ng bigla kang nawala.
0
Jun 30, 2017
Jun 30, 2017 at 6:19 AM UTC
Dilim
Eto nanaman ako nagsusulat ng mga tula, Mga tulang nakakasakit ng damdamin ng iba, Hindi ko alam paano mawala lahat ng sakit, Para sa isang taong magulo lagi ang isip. Paano nga ba? Paano mabura lahat ng pagkakamali? Paano mabago at maulit muli? Paano? Ilan sa mga tanong na hindi ko masagot, Mga tanong na puno ng takot. Tao lang naman ako hindi ba? May damdamin at pwede masaktan tulad ng iba, Ang buong akala ko ay okay na ako, Okay na ako..... Siguro. Pilit kong inayos ang tagpi-tagping nakaraan, Ngunit sila na mismo ang hindi gumawa ng paraan. Pinilit; ngunit hindi na pala— hindi na pala ito maaayos, Umasa at hinangad na lahat ng ito ay matapos.
0
Apr 7, 2017
Apr 7, 2017 at 1:25 PM UTC
WALANG KATAPUSAN
Lakasan mo naman ang iyong loob Ang isip, 'wag hayaang makulob ng kalungkutan at kaba Labanan mo, lumaban ka. Alam kong gabi-gabi ang iyong pag-iyak pero sa dulo, ikaw rin ang magagalak. Alam kong pagod ka na, pero ngayon ka pa ba susuko? Laban lang, sugod lang. Wala sa nakaraan ang inaasam Kaya 'wag kang aatras. Kaya mo yan, kaya ko 'to.
0
Dec 19, 2015
Dec 19, 2015 at 8:50 AM UTC
Kaya Mo 'Yan
Minsan ako, minsan siya pilit **** pinaghahati, ang oras mo sa aming dalawa Ayaw ko ng may kahati, gusto ko ako lang Gusto ko masabi, masabi  na ikaw ay akin lamang Hindi ka isang tinapay na pwedeng paghatian Hindi ka isang laruan na pwedeng ipahiram Isa kang babae na dapat pahalagahan Isang babae na mahal ko at dapat pagingatan
0
Dec 11, 2015
Dec 11, 2015 at 7:46 AM UTC
Ayaw ko ng may kahati
Para sa ulap na di ko maabot Para sa pasang di magamot-gamot Para sa halik na di malilimutan Para sa akalang hanggang akala nalang Para sa ibong di makalipad Para sa pangarap na di ko matupad Para sa bukas na di ko na masilayan Para sa ating hanggang ikaw at ako nalang Para sa bagyong di matapos-tapos Para sa hawak na nagmumukhang gapos Para sa panaginip na di ko mabitawan Para sa sanang hanggang sana nalang
0
Oct 20, 2015
Oct 20, 2015 at 12:18 PM UTC
Para Sayo
Bakit sadyang mapagbiro ang tadhana? Hinayaan na ikaw ay makilala. Mabihag ang puso ko'y 'di inakala. Nang lumaon, ako sayo'y nahalina. Ikaw ay sinubukan na makausap, At aking sinambit ay "Hi! Hello! What's Up?" Inakala na ika'y sadyang mailap. Pagkat mga salitang iyo'y ang saklap. Dyahe, napaka-labo nga naman diba? Maging ikaw at ako, 'ika ng iba. Subalit 'di nagpadaig sa mga duda, Hanggang loob mo'y tuluyan ng makuha. Ang hangin ay malakas na umiihip, Sa labas habang ako ay nag-iisip. Kung pwede nga lang sana ito i-skip, Ngunit ang dibdib ay lalo lang sisikip.
0
Aug 21, 2015
Aug 21, 2015 at 2:40 PM UTC
*Malabo*
Siya'y nakalaan sa'yo, Ika'y para sa kanya, Paano naman ako? Tadhana'y sadyang kay daya.
0
Jul 16, 2015
Jul 16, 2015 at 12:43 AM UTC
Paano ako?