Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#sarili
Banayad, halos walang galaw— hindi hangin ang unang dumadampi, kundi amoy ng lupang bagong gising sa ilalim ng dating sugat. May sinasabi ang liwanag mula sa bilog na nakatanaw sa gabi, hindi malinaw, hindi tuwiran, ngunit tumatagos sa tubig na payapa: “Hindi lahat ng nawala ay tuluyang lumubog.” Samantala, ang araw— hindi umatras sa kaniyang init, ngunit hinayaan ang ulap na bahagyang tumabing sa mata ng lupang napagod tumitig. Sa pagitan ng patak at pagkatuyo, may lihim na galaw— hindi nakikita, ngunit unti-unting nagtatama sa mga bitak na hindi na umimik. Umaagos ang ilog, hindi na tulad ng dati— may bahid ng alaala ang tubig, ngunit marunong nang magdala nang hindi nalulunod. Nababawasan man ang laman ng pasô, may nananatili sa ilalim nito— parang pangalang hindi binabanggit, ngunit hindi rin kinakalimutan. Kapag tigang ang lupa, hindi lang ito uhaw sa ulan— kundi sa pandama na may darating pa. At nang unti-unting lumitaw ang munting lunti sa gilid, hindi ito sigaw ng tagumpay, kundi tahimik na paalala: ang paghilom ay hindi biglang pag-ayos, kundi marahang pagbalik sa sarili **** pagdaloy.
0
Apr 24
Apr 24, 2026 at 2:05 PM UTC
"Paghilom"
Kung pwede lang gumawa ng sariling hukay tatalon ako rito't pagsisihan ang mga kasalanan ko Hindi ko gusto maging isang bomba nauubusan ng oras at pasensya Hindi ko hiling makasakit ng tao sa oras na pumitik ang orasan ko Kung ako ay may pagkakataong mabuhay muli mas gugustuhin ng paa kong tumakbo palayo Natatakot sa isipin na mauulit ang mga desisyon ko -ousson
0
Jan 19
Jan 19, 2026 at 1:57 PM UTC
ililibing ko ang sarili ko
Damdaming walang katumbas na salita Maging sa diksyonaryo'y di ko makita Waring humahagilap ng mga kataga Na aangkop sa ginagawa kong tula Ang isip ay nagtatalo at nagwawala Ang bawat isa'y nais makawala Aking gagapusin ng mga tanikala Mga anyo na ako rin ang gumawa Sapagkat hindi nga sila kayang patayin Waring mga aninong di na kayang alisin At sa pagdaay pinipilit ko na lamang mahalin Kahit na taliwas pa ang aming adhikain
0
Jan 27, 2023
Jan 27, 2023 at 1:16 PM UTC
?
Gaano kana kalakas Sa dami ba ng mga bakas Na iyong mga dinanas Sa mundo na marahas Gaano kana katatag Hindi na ba binabagabag Pader ba'y di na matibag Mahusay na mapagpanggap Lakas na saan kinukuha Limot maging pagluha Sa sakit o kirot natutuwa At di na namamangha Sa napaka tagal na mag-isa Di na kailangan ng iba Umaasa sa iba O inaasahan ng iba? Ang mamon ay bato na Ito'y matagal na Lumalakad mag isa Nang walang pangamba! Walang mapapala Kahit ipilit ang salita Ang lahat waring abala Sa taong nasanay mag-isa -JGA
0
Dec 21, 2021
Dec 21, 2021 at 6:50 PM UTC
Mag-Isa
Tuwing dapit hapon nagsisimulang umalingawngaw ang mga tinig. Mga alitaptap ay nangingimasok sa mga bukas na sugat. Maaligasgas na mga tunog ay maririnig sa duguang trumpeta. Hindi mawari ang pagsilay ng buwan sa mga matang nakapikit ngunit nakatingin. Pagiyak ng punong kahoy sa pagkabali sa bagyo ng mga pasanin ay siyang namamayani sa gitna ng gabi. Ang bawat pagpunit ay kasabay ng pagikli ng mga pahina. Kumpas ng orasan sa takipsilim naghahayag ng taglagas nang kaunting saya sa isang linggong kalumbayan. Papatayin ng unti unti at iiwang sugatan ng mga pangungusap na hindi maawat. Mapagkunwaring uwak na suwail sa hangin ay hindi na makalilipad. Ang pagwawagi ay bihira lamang.
0
Aug 19, 2021
Aug 19, 2021 at 10:34 PM UTC
"Musika sa gitna ng Dilim"
Gusto kong gumawa ng kanta pero hindi ko alam paano sisimulan Gusto kong magsulat ng tula pero hindi ko alam ang tamang salita para magsimula Gusto kong kumanta pero hindi ko kayang abutin ang mga gusto kong awitin Gusto kong sumayaw pero wala akong lakas para humataw Gusto kong gumuhit at magpinta ngunit hindi ako kasing galing ng iba Ang dami kong gustong gawin at aralin ngunit hindi ko magawa dahil ang daming kulang sa akin Ni hindi ko alam kung may iaangat pa ba ang talento ko Baka hanggang dito nalang kasi talaga ang kakayahan ko Baka nga naniwala lang ako sa ilusyon na magaling ako Kasi ang totoo ay hindi ako mahusay Hindi ako matalino Sakto lang ako.
0
May 30, 2021
May 30, 2021 at 12:40 PM UTC
Sakto
"Nagbago ka na" salitang pagbinitiwan ng mga taong mahalaga sayo sobrang laki ng epekto kadalasan huhulaan ko pa kung masama ba ang pagbabagong nakikita nila sa pagkatao ko o maganda ba naman ang dulot nito hindi masabi ng harapan kaya idinadaan na lang sa maliliit na komento ibubulong kuno para kahit paano hindi marinig at iwas argumento pahapyaw lang pero tagos hanggang buto ang tanong, mali bang magbago? mga pagbabagong sinanay ng panahon pagsubok sa pananampalataya at temptasyon sa huli ay natuto din ng mga leksyon pero kahit ano pa sabihin niyo kung kilala niyo talaga ako ako pa din naman 'to may ilang nagbago pero lahat naman tayo dumaan sa ganito hinahanap yung totoong silbi ng buhay na 'to? Oo nagbago na ako. Nahanap ko na kasi ang sagot sa huling tanong ko.
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 11:34 AM UTC
Nagbago Ka Na
hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nabasa sa ulan may mga panahong dahil sa aking katangahan biglang bumuhos ang napakalakas na ulan may mga pagkakataong sinasadya din magpaulan wala gusto ko lang kailangan ba laging may dahilan? simula nang araw ay makulilim na langit ang bungad ang payong na isinantabi pagdinila ko'y walang ulan na nangyayari nagbibiro na naman ang langit sa panahong gusto kong magbabad at maglakad sa ilalim ng ulan hindi lumapat sa tuyong lupa na siyang aking apak
0
Jul 29, 2019
Jul 29, 2019 at 12:13 AM UTC
Ulan
hindi mawari kung ano't sino ang totoo dito sa ating magulong mundo tunay nga't ang mga tao'y magkakaiba at hindi maaring mapagkumpara tunay nga't tayo ay may ugaling hindi nais kapatid, ano pa't magmalinis pa.
0
May 30, 2019
May 30, 2019 at 1:43 PM UTC
orgulyo
ako'y pupungas-pungas ngunit pinili ang mata'y isarado pinilit matulog, nagbabakasakaling ang payapang panagip ay bumalik; ako'y nasa lugar na nais sa lugar na lahat ay tunay, sa lugar kung saan walang madla, sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama sa likod ng ngiting pinapakita. nakaupo sa pino ngunit puting buhangin, pinagmamasdan ang tulog na ulap sa likod ng mga kumikinang na bituin, at pinapakinggan ang tila walang sigla na hampas ng alon sa dalampasigan isip ko'y binabaha ng mga salitang hindi mailabas, sa tahimik na lugar na nais nagtanong sa sarili, "mayroon pa bang saysay itong buhay na walang halaga?"
0
Feb 12, 2019
Feb 12, 2019 at 1:02 AM UTC
isla