Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
May 2020
052120

Ito ang gabing
Ako mismo ang sisira sa pangako ko —
Sa pangako kong ililibing ko ang sandaling
Mistulang nabihag ang buo kong pagkatao
Natapos ang mga petsang hindi ko na mabilang pa.

Panaginip —
Ika-11 ng gabi, naggising akong muli
Nasilayan kita
Nasilayan ko syang humahakbang papalapit sayo
Natakot ako, siguro nga
Wala naman kasing nagbago.

Natatakot pa rin akong hindi tayo magtagpo
Sa aking paghihintay sayo.
Ni hindi ko maitali ang sarili sa pagsambit ko ng “oo.”
Siguro nga, nag-aabang pa rin ako gaya ng dati —
Siguro nga isa na lamang akong
Gamu-gamong alaala ng kahapon
Na sa paupos na kandila’y
Tuluyan na ring maglalaho.
The Poetic Architect
Written by
The Poetic Architect  F/PPC Palawan, Philippines
(F/PPC Palawan, Philippines)   
865
     Dasho and The Poetic Architect
Please log in to view and add comments on poems