Noong ako'y nasa elementarya, Ang pag-ibig para sa akin ay mahiwaga. Hindi ko maintindihan Kung ano nga ba ang kahulugan.
Marahil hindi ko pa nararanasan Ang umibig at ibigin ng lubusan Ngunit mayroong dalawang tao Ang sa akin ay nagturo; narito ang kwento.
Maganda at payapa Ganiyan ilarawan ng dalaga Ang kaniyang mundo noong wala pa ang binata Hindi lubos akalaing sa isang iglap ay mawawala.
Wala pa sa isipan ng dalaga Ang pag-aasawa Hanggang sa dumating ang binata Nagsimula ng mangarap na sila'y maging isa
Hindi niya alam ang kaniyang motibo Kung ito ba'y pagpapanggap o totoo Basta't ang alam niya siya ay masaya Kung panaginip man ay ayaw na nitong magising pa.
Ang babae ay nalinlang Sa mukha ng isang lalakeng nilalang Kaniya siyang binusog ng mabulaklak na salita Ang lalake ay labis na natutuwa
Nagtagumpay ang plano Sa likod ng kaniyang mukhang maamo Dala nito'y tukso Ang babae ay nabulag sa kaniyang panlabas na anyo.
Kaniyang ibinigay ang lahat Pati ang mga bagay na hindi dapat Hindi inisip ang bukas Ngayo'y nagsisisi sa naging wakas
Sa tagal ng kanilang pinagsamahan Mauuwi rin pala ito sa hiwalayan Nagdaan ang mga araw Ang lalake ay hindi na muling tumanaw.
Umalis na ng tuluyan Mag-isa na lamang siyang nagduduyan. Ang nasa kaniyang isipan, Ay ang bata sa kaniyang sinapupunan.
Ang babae sa tula ay ang aking matapang na ina Ang lalake sa tula ay ang aking duwag na ama Si babae na takot masaktan ngunit piniling lumaban Si lalake na duwag ngunit nagtatapang tapangan.
Ako ang naging bunga Ng kanilang pagsasama Sa katunayan Ako ay bunga ng kasalanan.
I WAS RAISED IN A FAMILY WHERE WOMEN MADE IT HAPPEN WITHOUT MAN. Pakibasa po ang kasunod ng aking tula'ng ito na pinamagatang "Tunay Na Pag-ibig" Support natin ang isa't isa HAHAHAHA