Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#galopezpoem
"Sino ang bayani ng buhay mo?" Minsan itong naging paksa ng aming aralin sa filipino Madalas din itong itanong sa akin ng madla Ngunit wala akong ibang sambit kundi ang iyong ngalan ina. Bagama't wala siyang hari na katuwang, Para sa akin siya ay reyna magmula pa noong ako'y walang muwang. Magkaiba man ang daang ating nilalakaran, Alam kong pareho tayo ng langit na tinitingnan. Dito ay umaga, diyan ay gabi Sa pagtulog mo ina nais kitang katabi Iniibig kita kahit sa personal man ay 'di ko ito masabi At kung maayos na ang mundo, dadampian ko ng pagmamahal ang iyong pisngi't labi. Hindi sapat na ika'y pasalamatan Pangakong pagod mo'y aking papalitan Ng pag-ibig na walang hanggan At ibabahagi ko lahat ng kabutihan mo hanggang sa aking kaapo-apohan Kung tuluyan ka nang manghina At kunin ka na sa akin ng May Likha, Ako ang makakasama mo hanggang sa iyong huling hininga Kukumutan kita ng pag-ibig, mahal kong ina.
0
May 21, 2021
May 21, 2021 at 3:17 PM UTC
Kukumutan Kita ng Pag-ibig
May mga pagkakataong ako'y nanghihina dahil sa sunod-sunod na problema Mga pagkakataong akala ko hindi ko na makakaya Ngunit pinatatag ako ng Panginoon Kung hindi dahil sa Kaniya ay hindi ako makararating sa kung nasaan man ako ngayon. Hamunin man ako ng mga pagsubok at problema Panalangin ang aking sandata. Hahayaan ko lang muna ang aking sarili na lumuha sandali Pagkatapos ay lalaban muli. Kapag ako'y nalulungkot, sinasarado ko bawat bintana at pintuan ng aking mundo Nagninilay-nilay tungkol sa nararamdaman ko Hindi ako nag-iisa, kasama ko ang Ama Pinaparamdam Niya sa akin ang kaniyang pagmamahal at awa. Pangako Ama Paglilingkuran Kita Itong kaloob **** lakas at buhay Hinding hindi ko gagamitin sa pagsuway. Patatagin Mo nawa Iyong hinirang ay bigyan mo ng pag-asa Gawin Mo akong malakas Ama Sa mga panahong ako ay nanghihina.
0
Apr 9, 2021
Apr 9, 2021 at 4:50 AM UTC
Sa mga oras na ako ay mahina, doon ako lumalakas
Sa taong ito, hindi naging madali ang lahat Maraming suliranin, magulong mundo, makalat. Milyun milyon ang mga nasawing buhay Nawalan ng trabaho't ikinabubuhay. Bilyon bilyong mga tao ang nagluksa Sa mga buhay na biglaang kinuha Mga taong namatay dahil sa pandemya May mga nasawi rin dahil sa kalamidad at trahedya. Hustisya! Iyan ang sigaw nila Kay hirap abutin ang hustisya lalo na kung ika'y isa lamang maralita Na walang kakapitan Kaya't walang kalaban laban. Lahat ay humagulgol, nasaktan, nasugatan, Ngunit nakayanan pa rin nating ngumiti habang ang kahirapan ay pasan. Nakaramdam tayo ng paghihinagpis at pangamba Na para bang hindi na matapos tapos itong nararanasan nating sakuna. Nais mo ng sumuko, Ngunit habang pinagmamasdan mo ang mga bagong bayani ng mundo, Lumalaban sila para sa ating kaayusan at kalusugan, Sa kabila ng pagod at hirap na kanilang pinapasan. Kaya't dali dali **** pinunasan ang iyong luha Nanalangin at nagtiwala ka sa Ama Sapagkat Siya lamang ang makakapaghilom sa lahat Magtiis lamang at sa Kaniya'y magtapat Marahan mo nang isara ang huling pahina ng libro Sa isang kwento sa taong ito Ipangako **** sa susunod na taon, Lalo ka pang magpapakatatag sa lahat ng darating sa buhay na mga hamon. Gayunpaman, taglayin mo pa rin ang pusong mapagpakumbaba Habaan pa ang pasensiya Magpasalamat sa Ama sapagkat hindi ka niya hinayaang mag-isa Palakpakan mo rin ang sarili mo sapagkat hindi ka sumuko.
0
Dec 31, 2020
Dec 31, 2020 at 7:45 AM UTC
2020
Kailan ko kaya muling makikita ang aking dating sarili? 'Yung mga ngiting hindi pilit Kailan ko kaya muling mararamdaman ang tunay na kaligayahan? 'Yung hindi na nagpapanggap ng nararamdaman
0
Aug 3, 2020
Aug 3, 2020 at 4:25 PM UTC
K A I L A N
No words can explain what it really feels Sometimes, silence kills
0
Aug 3, 2020
Aug 3, 2020 at 4:19 PM UTC
What does it feel like to live without a father
You have become a part of my life Your name is written in my heart Loving you is a choice I made Darling, you are always worth the pain.
0
Jun 11, 2020
Jun 11, 2020 at 2:05 AM UTC
Worth The Pain
Bakit sa una'y halos sumakit na ang tiyan kakatawa At maya't maya'y tumutulo na ang mga luha sa mukha? Napapaiyak na lamang sa sulok Unti-unting kinakain ng maitim na usok Namamanhid na't halos di makilala ang sarili Nais ko ulit bumalik sa panahong wala pa akong alam sa mga nangyayari Ang mga ngiti ko noong kay tamis Mga tawang walang halong lumbay at hapis. Pilit kong kinakalimutan ang aking mapait na nakaraan Ngunit bumabalik balik pa rin lahat ng ala-ala sa aking isipan. Ang sabi nila'y tigilan ko na ang mamuhay sa nakaraan at iwasang magkaroon ng galit sa kapwa, Paano maaalis ang galit sa aking puso Kung ang dahilan nito ay ang taong nag-iwan ng masakit na marka sa aking pagkatao? Sa tinagal tagal ng panahon, para bang naging bato ang aking puso Bawat pintuan ay may kandado Bawat bintana ay sarado Ibang-iba na sa dating ako.
0
Jun 10, 2020
Jun 10, 2020 at 1:43 AM UTC
PUSONG BATO
Pinili nating maging tahimik Pinili nating huwag umimik Kaya naman hindi natin napagbigyan ang isa't isa na magmahalan Hindi natin nasabi ang ating nararamdaman. Pareho tayong naging duwag Laging may bumubulong ng salitang "huwag" Kahit gustong sumabog ng puso at sabihing "ikaw ang gusto", Nagpapigil tayo sa takot na "baka mawala ka sa akin ng husto". Kung sana kahit konti ay naging matapang tayo Naghintay kahit gaano man kalabo Lumaban kahit ilang beses matalo Hindi sana nasasaktan at nagsisising "sana'y naging tayo"
0
May 20, 2020
May 20, 2020 at 3:49 AM UTC
Pagsisisi
"Ang hirap maging babae kung torpe 'yong lalake. Kahit may gusto ka 'di mo masabi." Sa tagal ng ating pinagsamahan Nagdadalawang isip kung totoo ba ang nararamdaman Bakit hindi mo masabi sa akin ng diretso? Bakit natatakot ka sa opiniyon ng ibang tao? Mga galaw **** may dobleng ibig sabihin Hindi alam kung ano ang nais **** iparating Kaya naman patago din akong kinikilig Habang sa mga braso mo'y nakahilig. "Hindi ako 'yong tipong nagbibigay motibo. Conservative ako kaya 'di maaari." Kilala akong dalagang Pilipina Iniingat-ingatan ko ang aking hiya "Babae ako kaya ikaw dapat ang mauna" Iyan ang akala kong noon ay tama. Ngayon ito na pala ang huli Sana'y nilubos ko na ang bawat sandali Sa tinagal ng panahon, Sasabay ka rin pa lang lilisan katulad ng nangyari sa akin kahapon. "At kahit mahal kita wala akong magagawa. Tanggap ko, oh ang aking sinta. Pangarap lang kita." Magkaiba nga tayo ng mundo Ngunit wala akong ibang gusto. Sana sa susunod na pagkikita Tayo na ang para sa isa't isa Mahal kita ng sobra Kung iyan ang desisyon mo'y hindi na kita pipigilan pa. Napagtanto ko na, Hanggang pangarap lang kita.
0
May 20, 2020
May 20, 2020 at 3:48 AM UTC
II. Pangarap Lang Kita
"Mabuti pa sa loto may pag-asang manalo. 'Di tulad sa'yo imposible." Napakaimposibleng mapa sakin ka Wala pa akong napapatunayan sa mga mata ng masa Ang pag-ibig ko sa iyo Ay parang pagsusugal sa loto Alam kong malabong ako'y manalo Alam kong maaari akong matalo Pagmamahal ko'y ipaparamdam sa iyo sa pamamagitan ng mga galaw ko Sapagkat ako'y nauutal kapag ikaw na ang nasa harap ko. "Prinsesa ka ako'y dukha. Sa TV lang naman kase may mangyayari." Nakatira ka sa isang palasyo Isang paraiso Nababagay roon ang mga anghel na katulad mo Wala pa man sa kalagitnaan ng digmaan, batid kong ako'y bigo. Gusto kong mapunta sa ibang dimensyon ng mundo Kung saan maaaring maging tayo Ngunit mukhang tama nga sila Sa telebisyon lamang nangyayaring magsama ang pulubi at prinsesa. "At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko, oh aking sinta. Pangarap lang kita." Ilang ulit na akong sumubok na ipabatid sa iyo Ilang ulit na rin akong nabigo. Wala ng ibang paraan Kundi lumisan Nawa'y mahanap mo ang tamang tao para sa iyo Hindi ka nararapat sa isang katulad ko Tanggapin na lamang na tayo'y magkaiba Hanggang pangarap lang kita.
0
May 20, 2020
May 20, 2020 at 3:46 AM UTC
I. Pangarap Lang Kita
*** Wherever you are, I hope you're doing great I hope I'm still your favorite But things have changed. Our dreams are shattered Know that I will be better Our memories? They'll stick the same Haunting down memory lane. ***
0
Apr 26, 2020
Apr 26, 2020 at 5:41 AM UTC
· memories ·
You fought silent battles You cried because of loneliness But no one noticed your brokenness And you let depression **** your happiness You started building your self-esteem again Until someone tries to break you But never happened 'Cause you are braver than them This time, I choose positivity Never let anxiety to eat me I am a soldier I am a brave fighter.
0
Mar 1, 2020
Mar 1, 2020 at 7:51 AM UTC
A Soldier, Brave Fighter
May mga tanong sa aking isipan na hanggang ngayo'y wala pa ding kasagutan. May mga kasinungalingang hindi pa din natutuldukan. May mga katotohanang masakit malaman. Kaya mananatiling tahimik Tikom ang bibig Unti unting naiipon ang poot sa aking puso. Na para bang hindi na ito marunong pang tumibok. Na para bang nabalutan ng tinik Dahil sa paulit ulit na pananakit. Naguunahan ang mga luha ko sa pagpatak. Nakisabay pa ang mga ulap Kumulog at kumidlat Mga mata ko'y pagod na muling dumilat Pamilyar sa akin ang gabing ito Marahil, nakagawian ko na Ang umiyak gabi gabi Magkulong, magmukmok Hanggang sa abutan ako ng antok. May mga gabing ayoko ng mag umaga May mga umaga na gusto ko ng mag gabi May mga araw na gusto kong umulan Lahat nangyayari sa hindi ko inaasahan.
0
Dec 15, 2019
Dec 15, 2019 at 6:50 AM UTC
Hinagpis
Manghawak ka sa kung ano ang kalooban ng Ama. Kayo man ay hindi niloob para sa isa't isa, Magtiwala ka sa magagawa Niya. Kahit anong mangyari ay hindi Siya nagpapabaya. Huwag magagalit sa Kaniya Mag-isip ka Ibig ng Diyos na iyong malaman Na hindi tama ang iyong nilalakaran. Paano ka maglilingkod sa Ama Ng payapa Kung ang kasama mo sa buhay, Ay magulo at nasa likong pamumuhay? Inilalayo ka Niya Sapagkat ayaw ka Niyang mawala. Ayaw Niyang tumalikod ka Kapakanan mo ang inaalala Niya. Maaaring hindi siya ang para sa iyo May darating na bago. Ito ang biyayang manggagaling sa Panginoon Hindi ka na masasaktan tulad ng noon. Sa paglilingkod ay manatili At kung ika'y magmamahal muli, Balikan ang salitang nasa unahan Sana'y iyong maunawaan.
0
Apr 20, 2020
Apr 20, 2020 at 4:25 AM UTC
Magtiwala Ka
Everytime he's around, My heart pounds. Oh my love, You make my mind peaceful as the dove. When I'm with him, I could nearly scream. I've fallen from his eyes He gave me those butterflies When I'm with him, My world gleams From dim. Miles apart But still, you have my heart.
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 7:48 PM UTC
When I'm With Him
Sino dito ang naniniwala sa pag-ibig? Sino dito ang hindi na naniniwala sa pag-ibig? Sino naman dito ang hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng pag-ibig? Sino naman dito ang may alam ngunit hindi pa handa para sa pag-ibig?; alamin na natin Hindi ito matatawag na pag-ibig kung ika'y inilalagay, Sa pagsuway. Hindi ito ang tamang pagmamahalan 'Pagkat ito ay makasariling desisyon at makasalanan. Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang sa umpisa matamis Ang tunay na pag-ibig ay nakapagtitiis Ang tunay na pag-ibig ay nagsasakripisyo Ang tunay na pag-ibig ay tumutupad ng pangako. Ngayon kaibigan Maaari mo na bang sagutan Ang aking katanungan Ang talata sa unahan
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 10:07 AM UTC
II. Tunay Na Pag-ibig
Noong ako'y nasa elementarya, Ang pag-ibig para sa akin ay mahiwaga. Hindi ko maintindihan Kung ano nga ba ang kahulugan. Marahil hindi ko pa nararanasan Ang umibig at ibigin ng lubusan Ngunit mayroong dalawang tao Ang sa akin ay nagturo; narito ang kwento. Maganda at payapa Ganiyan ilarawan ng dalaga Ang kaniyang mundo noong wala pa ang binata Hindi lubos akalaing sa isang iglap ay mawawala. Wala pa sa isipan ng dalaga Ang pag-aasawa Hanggang sa dumating ang binata Nagsimula ng mangarap na sila'y maging isa Hindi niya alam ang kaniyang motibo Kung ito ba'y pagpapanggap o totoo Basta't ang alam niya siya ay masaya Kung panaginip man ay ayaw na nitong magising pa. Ang babae ay nalinlang Sa mukha ng isang lalakeng nilalang Kaniya siyang binusog ng mabulaklak na salita Ang lalake ay labis na natutuwa Nagtagumpay ang plano Sa likod ng kaniyang mukhang maamo Dala nito'y tukso Ang babae ay nabulag sa kaniyang panlabas na anyo. Kaniyang ibinigay ang lahat Pati ang mga bagay na hindi dapat Hindi inisip ang bukas Ngayo'y nagsisisi sa naging wakas Sa tagal ng kanilang pinagsamahan Mauuwi rin pala ito sa hiwalayan Nagdaan ang mga araw Ang lalake ay hindi na muling tumanaw. Umalis na ng tuluyan Mag-isa na lamang siyang nagduduyan. Ang nasa kaniyang isipan, Ay ang bata sa kaniyang sinapupunan. Ang babae sa tula ay ang aking matapang na ina Ang lalake sa tula ay ang aking duwag na ama Si babae na takot masaktan ngunit piniling lumaban Si lalake na duwag ngunit nagtatapang tapangan. Ako ang naging bunga Ng kanilang pagsasama Sa katunayan Ako ay bunga ng kasalanan.
0
Apr 18, 2020
Apr 18, 2020 at 10:01 AM UTC
I. MATAPANG AT DUWAG: Ang Babae At Ang Lalake
Noong ako'y nasa elementarya, Ang pag-ibig para sa akin ay mahiwaga. Hindi ko maintindihan Kung ano nga ba ang kahulugan. Marahil hindi ko pa nararanasan Ang umibig at ibigin ng lubusan Ngunit mayroong dalawang tao Ang sa akin ay nagturo; narito ang kwento. Maganda at payapa Ganiyan ilarawan ng dalaga Ang kaniyang mundo noong wala pa ang binata Hindi lubos akalaing sa isang iglap ay mawawala. Wala pa sa isipan ng dalaga Ang pag-aasawa Hanggang sa dumating ang binata Nagsimula ng mangarap na sila'y maging isa Hindi niya alam ang kaniyang motibo Kung ito ba'y pagpapanggap o totoo Basta't ang alam niya siya ay masaya Kung panaginip man ay ayaw na nitong magising pa. Ang babae ay nalinlang Sa mukha ng isang lalakeng nilalang Kaniya siyang binusog ng mabulaklak na salita Ang lalake ay labis na natutuwa Nagtagumpay ang plano Sa likod ng kaniyang mukhang maamo Dala nito'y tukso Ang babae ay nabulag sa kaniyang panlabas na anyo. Kaniyang ibinigay ang lahat Pati ang mga bagay na hindi dapat Hindi inisip ang bukas Ngayo'y nagsisisi sa naging wakas Sa tagal ng kanilang pinagsamahan Mauuwi rin pala ito sa hiwalayan Nagdaan ang mga araw Ang lalake ay hindi na muling tumanaw. Umalis na ng tuluyan Mag-isa na lamang siyang nagduduyan. Ang nasa kaniyang isipan, Ay ang bata sa kaniyang sinapupunan. Ang babae sa tula ay ang aking matapang na ina Ang lalake sa tula ay ang aking duwag na ama Si babae na takot masaktan ngunit piniling lumaban Si lalake na duwag ngunit nagtatapang tapangan. Ako ang naging bunga Ng kanilang pagsasama Sa katunayan Ako ay bunga ng kasalanan.
Continue reading...
48
Mahirap maglakbay Sa mundo ng sanlibutan 'Di maiiwasang mahirapan Ihanda pa rin ang sandata Ika'y lumaban. Tutuksuin ka ng sanlibutan Ngunit hindi iyan ang dahilan Upang pagsamba'y iwanan Manalig ka At ng 'di na muling maagaw pa. Sa Kaniya mo idulog iyong mga panalangin Ika'y tiyak na didinggin Hinagpis mo'y papawiin 'Wag kakalimutang siya'y pasalamatan Kung ang saya'y muli **** nakamtan Marami mang tiisin Hindi ka niya bibiguin Bagkus ika'y iibigin Magtiwala ka sa Kaniya Mahal ka ng Ama Kapatid, asahan **** pangako Niya'y kakamtin 'Wag kakalimutan ang tungkulin Mahirap malunod sa baybayin Ngunit ika'y makakaahon din Sa tulong ng may likha sa atin.
0
Oct 20, 2019
Oct 20, 2019 at 10:30 AM UTC
Mahal Ka ng Ama
Ang sabi ng mga madla Madaya ang tadhana Iibig ka na sa maling tao pa. Ngunit tadhana nga ba ang madaya O tayong mga tao lang talaga? Kay damot ng tadhana Ang taong gusto mo'y hindi makuha Bakit iyong iba wala namang ginagawa Samantalang ako'y halos umiyak na ng isang baldeng luha Hindi ka pa rin makuha Hanggang ngayo'y hinahangaan ka pa rin sa malayo Malabo mang mapansin mo Hindi mo man pansin ang presensya ko Narito lamang ako, Ipagdarasal ang kapakanan mo. Sana'y madali lang ipagsigawan Ang aking nararamdaman Ngunit alam kong tututol ang mundo Ilalayo ka sa akin ng mga tao Masasaktan lamang tayong pareho. Ang daya daya ni tadhana Ako ang unang nakahanap sa'yo Ngunit mas pinili **** mapunta sa malayo Nagkamali ako Lahat ng aking mga paratang ay hindi totoo Ikaw ang madaya Inibig kita ngunit sinira mo ako Nilisan mo ako at sumama ka sa malayo Iniwan mo ang kalahati ng puso ko Ang iba'y na sa iyo. Kaya madaya ka! Narito ako't balisa Habang ika'y nagpapakasaya Sa yakap ng iba. Madaya ka! Libo libong alaala Ang naging sandigan ko Upang ika'y bumalik at magmakaawa Magmakaawa na bigyan pa kita Bigyan ng pagkakataon na muli pang magsasama Naghintay ako ng iyong pagparito Ngunit malamig na hangin lamang Ang sumalubong sa akin. Hindi ka na maaaring bumalik pa! Bakit pa ako umaasa? Madaya ka!
0
Dec 15, 2019
Dec 15, 2019 at 7:25 AM UTC
Sino Ang Madaya?
YOU LIKE ME Because I'm pretty But what if my beauty Fades. Will you still LIKE me? You saw the darkest part of me A part of me I don't want you to see 'Cause you might leave me Will you still LIKE me? Do you really like me Or you just like some parts of me? And maybe that's the reality YOU JUST LIKE ME.
0
Apr 16, 2020
Apr 16, 2020 at 8:57 AM UTC
You Just Like Me
I always give love but never received one.
0
Mar 11, 2020
Mar 11, 2020 at 1:31 AM UTC
Unfair
Am    I Ready   to       forgive?       'Cause I   don't think                          I can.
0
Mar 10, 2020
Mar 10, 2020 at 1:31 PM UTC
Undecided
Dama ko na ang pagdampi ng sikat ni haring araw At sa araw na ito kakalimutan na ang ikaw Sa bintana'y 'di na muling dudungaw Wala na ang pag-ibig na dating umaapaw. Kung sa umaga'y suot suot ang maskara, Sa gabi'y, naghahanap ng makakalinga. Yakap yakap ang unan Bagay na saksi sa lahat ng aking kasawian. Tumatangis sa gabing maulan Humihingi ng tulong mula sa kalawakan Hanggang kailan matatapos ang aking pakikipaglaban? Sa kalungkutang dala ng nakaraan.
0
Mar 8, 2020
Mar 8, 2020 at 9:52 PM UTC
Maskara(KALUNGKUTANG DALA NG NAKARAAN)