hindi na mapakali at panay ang tingin sa paligid ang pagod at antok ay 'di na maikukubli segundo, minuto at oras na ang lumipas ni anino mo'y 'di na matinag; mata'y malapit nang tumiwalag ang isipan ay kung saan-saan na rin napadpad iisa lang naman ang nais isigaw ng pusong matiyagang naghihintay makita kang muli at ang puso't isipan ay mapapalagay lahat ng hirap na dinanas ay 'di alintana dahil ito'y maiibsan
--
at dumating na sa wakas ang araw ng pagpapasiya ang dalawang pusong nangungulila sa presensya ng bawat isa'y nagtagpo at nagsama
ang muling pagkikita nila'y punong-puno ba pananabik at saya salubong na mainit at mahigpit na yakap at matamis na halik ang siyang nagpawi sa mga sandaling hindi sila magkapiling
--
saksi ang mga tala at ang buwan pati na rin ang mga tao sa paligid na walang kaalam alam at pakialam sa muli (at huli) nating pagkikita, mahal.