Para saan ang pagmulat ng aking mata kung sa paningin ko ay tapos na. Sa bawat pagpikit, ang tanging nakikita ay ang katapusang matagal ng tinadhana. Para saan ang pagbangon kung sa problema'y di na makaahon Sa isa pang yapak na aking gagawin, Nawa'y bigat ng aking saloobin tuluyan ng humupa kasabay ng aking pagkawala sa hawak ng mundo na sa isip ko'y gumugulo. Sa huling ngiting huhulma sa aking labi, maalala sana na minsan akong lumaban at ninais magwagi.