Ikaw. Ikaw. Ikaw ang naging inspirasyon ko para magpatuloy.
Binigyan mo ako ng lakas para muling humakbang, maglakad.. Magsulat.. Bumangon...
Sa mga araw na sunod sunod ang dagok ng panahon na tumulak sa akin padapa.. Sa mga oras na panay ang udyok ng mundo na tumigil ako sa pag galaw.. Sa mga sandali na nasimulan ang pagdududa sa aking sarili na baka nga hanggang doon nalang ako.. Na tila may gumagapos sa aking mga paa at humihila sa akin pailalim..
Dumating ka.
Iniabot mo ang iyong kamay.. at isinama mo ako. Isinabay mo ako sa paglakad mo.. kumapit ako sayo at Ipinakita mo na marami pa palang daan.. Na kaya ko pang bumangon at maglakbay kaya't isinama mo ako.
Kahit na may ilang beses na matarik ang daan at hindi ako makasabay, nagsilbi kang gabay sa aking unahan at hindi mo hinayaang maiwanan ako sa paglalakad pasulong.
Binigyan mo ako ng pagkakataong sumunod sayo.. at humabol.. Kahit kapalit nito ay ang pagbagal ng lakad mo.. kahit na para bang naaabala na kita..
Ipinaalala mo na normal lang ang mga bato at putik sa ating nilalakaran.. Normal lang na ika’y pawisan.. Magalusan.. Magkamali at maligaw ng daan.. at minsan pa'y sasabayan ito ng ulan kaya't may mga panahon na hindi mo makikita kung saan ka na ba patungo.
Madudulas ka.. Matitisod.. Madadapa.. Ngunit hindi dapat dito magtapos ang paglalakbay dahil ang hirap at pagod ay may kasunod na dalisay na ginhawa.. Doon sa tuktok.. kasama ng mga ulap at ng hangin..
At kahit na ika’y hingalin ay mapapawi ito ng ligaya na iyong madarama sa oras na tumapak ka na sa pinaka itaas.. Sa wakas.. Nakita mo na kaya mo palang lagpasan ang mga hirap at pagod na ngayo’y iniwan mo na sa ibaba.. Sa lupa.. Kasama ng kay gandang mga balangkas ng tanawin na hinubog ng mundo upang ipakita sa iyo sa mismong pagkakataong ito.. Sa entablado ng daigdig kung saan abot kamay mo ang himpapawid.
Ipinaalam mo sa akin na ito ang kapalit ng mga pagsubok na araw araw nating hinaharap. Ito ang sandali na ipadarama ng kalawakan na katulad ng oras.. Ay lumilipas din ang lungkot.. At ang kailangan ko lang ay kumapit pa ng mahigpit.. Manalig.. At maghintay at di maglalaon ay darating ang pagkakataong ito.
Kung saan magkasingkahulugan ang sandali at kailanman..
Dito sa tuktok.. Kasama ng mga ulap at ng hangin..
Sinabi mo na hindi ako nagiisa.. Dahil kasama natin ang langit.
Salamat. Ikaw lamang nagpabuklat ng aking singkit na mata dahil sayo namulat anh mga mata ko na dapat akong magtino hindi lang dahil matanda na tayo kundi para sa kinabukasan ko rin. Salamat mahal ko.