Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsHeartedHistoryMy poemsNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Unreal Smile

Ang lungkot at pakiramdang kay pait,

pilit itinatago sa pagkibit balikat at ngiting pilit

Na sa kabila ng panandaliang sayang naidudulot

ng mga kasamang pumapawi ng iyong lungkot,

mga masasayang sandaling kasama ka'y hindi pa rin malimot

 

Ilan man ang nagtanong ng “KUMUSTA?”

Ilan man ang dumaan at nakilala,

Ikaw at ikaw pa rin ang siyang iniisip oh aking sinta.

Puso ko'y parang tinatarakan ng patalim

pag nakikita kang sa kanya'y may pagtinging malalim

mga matang panandaliang sumaya nang ikaw'y masilayan,

biglang napalitan ng bahagyang selos at kalungkutan.

 

NALULUNGKOT mang ngayon na hindi na ako ang sa iyo'y nagpapasaya,

na ang mga pangako mo noon na sa aki'y ipinadama,

ngayo’y iyo nang ibinibigay sa kanya,

patuloy pa ring iibigin ka, kahit sa iyong piling ako’y wala na.

 

At kung siya man ang sa iyo'y itinadhana,

ang tanging hangad ko lang ay makita kang MALIGAYA.

Request permission to use this poem
1
Written by
18donskie18
Published
Nov 12, 2019
Lines·Words
18·144
Notes

tagalog

Tags
#tagalog
Permission

Request to use this poem

Tell 18donskie18 how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write