Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2019
Pinilit **** bumangon
sa umagang mapanghamon
mula sa isang gabing hindi mo nakuhang managinip
pinilit **** kumilos
sa mundong hindi umayon sayo
ngayon ang iyong tadhana ay tila nagtatampo

pinilit **** lumipad
papunta sa malayong malayo
ngunit pinipigilan ka ng iyong puso

pinilit **** pumikit
nung sandaling ika' y masasaktan

pinilit mo lahat yun,
pinilit mo lahat yun

pinilit **** tanggapin
ang lahat ng nangyari

sa paglipas ng panahon
hindi mo namamalayan
na hindi mo na pinipilit ang mga bagay
handa ka na,
tanggap mo na,
malakas ka na.
Written by
josh de guzman  33/M/laguna
(33/M/laguna)   
440
 
Please log in to view and add comments on poems