Pinagmamasdan ko siya. Nilapitan ko ng dahan-dahan. Inamoy-amoy ang kanyang buhok. Kinuha ko ang kanyang mga damit. Hindi ko mapipigilan... siguro nasisiyahan lang akong malaman na akin lang siya. Hindi siya sumigaw, hindi nanlaban. Nakaupo lang siya pero nakatungo. Ako ang una mo ako rin ang panghuli. Ako lang dapat, wala nang iba. Wala na siya... Habambuhay. Siguro nasobrahan lang ako sa selos. Kaya ngayon wala na siyang emosyon.