Ang sabi nila na ang pinakamasakit daw na tunog ay ang iyak at hikbi, Malakas man, mahina o pag-pipigil Lahat daw ‘yon ay pare-pareho lang Tama nga siguro sila kasi ang iyak ay nakapag-sasabi ng totoong nararamdaman, ang iyak ay isang kalungkutan Noong gabing yon, narinig ko ang pinakamasakit na tunog Sabay tayong lumuha Sabay nating iniyak ang sakit na para bang masasagot lahat ng tanong sa ating isipan Mga pagkukulang, mga sana at dapat na pareho nating gustong malaman, gustong ipaglaban Mga tanong na matagal ng kinukwestyon ang mga bagay na hindi maintindihan Mga pagkukulang na pinipilit buuin na unti-unting lumalabo Mga sana at dapat na matagal nang pinipigilan Ngunit narinig ko ang tunog ng bawat galaw ng iyong mga paa na humahaplos sa sahig Narinig ko kung paano mo ikinabit muli ang iyong mga paa sa iyong medyas at sapatos, Kung paano mo ito itinali at binuhol nang napakahigpit Narinig ang bawat kilos at galaw Sa huling beses ay narinig ko ang iyong mga daliri Kung paano dumapo ang iyong palad sa pinto Hindi iyak at hikbi ang nangibabaw Kundi ang tunog ng pagsara ng pinto