Ang araw ay pumapatak na parang orasan Mga sandali'y hahantong sa ganap katapusan Halina't sulitin bakit hindi mo pa simulan? Dahil ako'y darating na kakatok sa iyong pintuan
Teka sandali hanggang dito ka na lang Pasya ko sa lalaking tiyak na kulang-kulang Akala niya ay wala nang hahadlang Sa mga sandali ng kanyang pagsasayang
Ako'y bisitang kumakatok ng hindi inaasahan Sana'y handa ka at walang pinagsisisihan Sapagkat ako' y bingi sa mga kahilingan At ang aking pasya ay siyang makapangyarihan
Sa karit ko nagdaraan ang mabuti at hangal Ako'y di nabibili nang iyong mga pagpapagal Ngunit ang kalaban ko ay syang mararangal Sapagkat di ko maaari ang kanilang mga dangal