Sisikat na ang araw Ngunit mga mata’y dilat pa Nangangarap na balang araw Mayakap na ulit kita Alam mo bang halos di ako makagalaw Sa tuwing binabanggit mo sa’kin ang salitang “mahal Kita” Gusto ko sanang marinig ng personal araw-araw Ngunit malayo tayo sa isa’t-isa
Ayoko pang matulog Hihintayin ko pa si haring araw Sa pagsikat nya akoy nakaupo lang sa sulok Habang sa bintana nakadungaw Habang hinihintay ako muna’y magpapausok Sigarilyo ang paraan para maibsan ang ginaw Gusto kong makita ang pagsikat nya kasi naaalala ko Ang ganda mo pag sa kanya akoy nakatanaw
Ganda mo ay natural Kaya napaibig mo ako ng sobra Ayokong mawala kapa mahal Kasi baka hindi ko kaya Halos magkaparehas lang kayo ng Araw Pinapaliwanagan mo ang buhay kong magulo’t walang sigla Tama lang na kinumpara kita sa araw Madilim kasi ang mundo ko kapag wala ka
Pasikat na sya’t akoy nakahintay Kita ko na rin ang mga ulap na sa’kin ay kumakaway Kakaiba sa pakiramdam para bang akoy buhay na buhay Kahit paulit-ulit ko pang tignan Hindi nakakaumay Naaalala Kita pag sa kanya ako naka silay Mahal kasing ganda mo ang bukang liwayway