NOBYEMBRE 20, 2018 hugis pusong inukit sa munting puno nagbunga ng matamis itong pagsuyo sa lilim ng mga sanga, saksi sa’ting pangako na tayo lang dalawa ang magkasundo
ito ang ating tagpuan, na tayo lang ang may alam kaya nakalagay ang pangalan,pagkat dito ay atin lang ang payapang tahanan, ng ating pinagsamahan sa dahong kanlungan, na puspos ng pagmamahalan
ang dibdib kong umaawit, habang pumipintig halina’t maging mainit ang dating lamig oh kay sarap palang kumapit, sa gitna ng ating bisig, (sa ilalim ng) hugis pusong inukit, simbolo ng dakilang pagibig
may hangin na dumadampi wari’y halik sa’yong pisngi sa punong mumunti, rosas kang kasing pula ng ‘yong labi at meron pa bang tatatamis sa iyong mga ngiti kung tunay ngang ang ‘yong ganda’y nakakabighani
sa punong may lilim, kasama kita aking sinta wala na kung hinihiling, kaylangan ko’y andito na sana dito nalang tayong dalawa’y mamalagi sayo ilalaan ang bawat sandali, at pangakong mananatili
you can also follow me on facebook with the page name August' poems