Sa isang parihabang kwaderno Nasilayan ko ang iba't ibang kulay ng panulat Mula sa malayo, hawak hawak niya ang pluma Umaasang may malalathalang kakaiba
Sa kaniyang utak na blanko't walang kusa Nais lang naman ng kaniyang puso ang malaman Kung mayroon pa nga bang siyang pag-asa Pag-asang makalikha ng bagong yugto at makatakas sa kulungan
Mistula bang napakaraming emosyon ang nanaig Onti-onti niyang nabubuksan ang kaniyang mga matang tago sa realidad Sinulat niya ang unang saknong ng kaniyang tula at isinaad,
"Sana'y matagal na akong namulat sa katotohanang panaginip lamang ang makasama ka magpakailanman."
Bawat kulay na aking nasilayan mula sa kwaderno'y nabubura Ang lalaking manunulat ay sumisigla Napagtanto niya na kinakailangan niyang magparaya Magparaya upang siyang patuloy nang lumigaya