Kung sino ka nga ba, Misteryong di alam ng madla, Sapagkat pagkatao'y kinikilala, Dahil minsan di naman ito nakikita ng mata.
Ang bagay na di madaling magbago, Ang bagay na sana'y di magbago, Ang dasal namin para sayo, Ang hiling naming mga kaibigan mo.
Ika'y isang talang nagniningning, Liwanag, ilang milya man ang aabutin, Patuloy ang pagkislap kahit sino man ang kapiling, Kahit mag-isa, patuloy na titingalain.