Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun 2018
Nagbalik tanaw,
Hinalungkat ang nakaraan,
Mga 'storyang, lumitaw,
Binalot ng tawanan.

Ngunit ang mithi ko'y iiba,
Nais kong ika'y mas makilala,
Sapagkat ang alam ko sayo'y ang kaunti pa,
Ako nama'y pagbigyan mo, sige na.

Nagulat, di makapaniwala,
Bakit parang nagtutugma,
Ang ating mga storya,
Ang ating pagkabata.

S'an nga ba ako?
S'an ka naman ng mga panahong ito?
Hindi ba, tayo'y magkalayo?
Ni minsan, tayo ba noo'y nagtagpo?

At tayo'y nagbiruan pa,
Sabi natin ng patawa,
"Aba, baka ito'y tadhana",
Aba, sana nga.

Maalala pa kaya kita?
Ang tanong nating dalawa,
Tanong na may kaba,
Nagtatanong nang nag-aalala.

Aalahanin kita,
Ang sa aking bawat umaga,
Ang buwan sa aking gabi,
Ang mitsa ng aking mga minithi.

Ang sabi kong "una",
Una kong maaalala,
Una kong ipinagdasal,
Ang una kong minahal.
Taltoy
Written by
Taltoy  22/M/Philippines
(22/M/Philippines)   
767
     KI and Cherisse May
Please log in to view and add comments on poems