Sa lipunang ating ginagalawan naranasan mo na bang matitigan na para kang hinuhubaran? Naranasan mo na bang maging barya? Na gagamitin kang panukli sa mga kasalanan nila. Masarap pa bang mabuhay sa labas, kung ang tingin sayo ay labasan ng sarap ng loob.
Nagmahal ka na ba ng ilang katawan? na ang tingin mo lang sa kanya ay panandaliang pulutan. na kapag nabulatlat mo na't lahat ay pssst waiter isa pa ngang ganyan, ung malaman para kumukulo kong kalamnan. ung makinis, masarap titigan, ung masarap hawakan, nagsuot lang ng maikli ay pinasok mo na agad sa makitid **** utak, napakabilis ng kamay mo, sing bilis ng kabayo.
Nagmahal ka na bang ilang katawan? dahil lang sa ika'y tigang dahil lang sa hindi mo mapigilang maglibang. Naputokan ka na ba? ng mga sumasabog na alispusta? dahil lang sa nagsuot ka ng maganda, pokpok ka na? Lumaki ako na ang tingin sa ari ng babae ay parang laro sa perya, iyong may itatapon kang matalim para ang lobo'y pasabogin kung ilan ang naputok **** lobo ay yun din ang estado mo, syempre mas marami mas malaki ang premyo.
Tinuruan ako ng lipunan na tratohin silang parang salamin, alagaan at mahalin, pero pag sawa ka na't nauumay ay babasagin, na kapag ginawa mo ito ay isa ka ng ganap na lalake. Na para mapitas mo ang mansanas ni eba ay dapat magbalat kayo ka. ahas ika nga, magbabalat ang katawan para sa iba naman. para makarami naman. Na kapag napaikot mo na't sumangayon na sayo ay dahan dahan **** ipasok ang pagkalalake mo. Ito ay para humingi ng tawag I sa mga babaeng nagawan ko ng masama. Sa lipunang ating kinatatayoan, sa lipunang ating unti unting binubuo para sa darating pang henerasyon Magmamahal ka pa ba ilang katawan? Hanggang ngayon maski ang ating lipunan ay hindi alam depinisyonwas one ng pagiging lalake. Pero siguro panahon na para tanongin natin ang ating sarili Kung tama pa ba ang ginagawa natin? ito ba ang gusto nating gayahin ng mga susunod sa atin?