Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2018
pakiusap,
ayaan mo akong mahalin ka
halika
dito ka sa tabi ko
sawa nakong malayo sa’yo
mahal, pagod nakong tanawin ka mula sa malayo

hayaan **** wasakin ko
ang kadenang iyong ikinandado
upang ikulong ang iyong puso
hayaan **** ito’y kumawala
mahal, tutulungan kitang lumaya
tanging kailangan ay iyong tiwala

hayaan **** isalba ko
ang mga binitiwang pangako
at ang iyong pusong kanilang binigo
ilalayo kita mula sa mga alon ng kalungkutan
sasamahan kita sa mga gabing iyong kinatatakutan
tutulungan kitang abutin ang mga bituin sa langit
tutulungan kitang malimutan ang pait

mahal,
hayaan mo akong pumasok sa buhay mo

at hahayaan kitang paglaruan ang mundo ko



/ J G /
Jenny Guevarra
Written by
Jenny Guevarra  20/F/PH
(20/F/PH)   
1.0k
 
Please log in to view and add comments on poems