naglalakad sa gitna ng kadiliman at nakapikit sa paghakbang ng walang kasiguraduhan ang sigaw ng paghihirap ay tinik sa lalamunan ang pighati ay dinadala sa paglalakbay
ilang patalim na ang aking tinahak makuha lamang ang ninanais ng kaluluwa ngunit bakit kahit ilang patalim ang lunukin kailanma'y hindi makakamtan ang ninanais
binalot ng pait at galit sa paghihirap may pag-asa pa nga bang matatanaw sa isang paglalakbay na puno ng sakit isang sakit na unti-unting lumulumpo sa aking kaluluwa
mababatid pa nga ba ang kinabukasan sa paglalakbay na puno ng hinagpis at pag-inda ng mabibigat na dalahin sa isang pikit-matang paghihirap.