Ang kape ay buhay ipinantawid-gutom kasabay, kaunabay ng unang subo ng kanin, sa murà kong isipan - nilililok ng maalagang haplos ng katam ng mga pangaral at talim ng pait ng nakadaupang mga dospordos ng karanasan, bawat lagok ay nagbigay ng iba ibang kulay, ng alay
Alak ng paglimot ay tinagay ng kapitbahay na maingay sigaw ng inipong luha’y kakambal, ngunit ang kape - sa Pilipino'y sawsawan ng tinapay na inaasam: paimpit ang napilayang pag-usal sa binging patron ng pandesal taimtim ang piping dasal : “bigyan mo po kami ng aming kanin miski walang ulam basta may kape , pero mas maigi na rin po pag may bulanglang”
"salamat po sa kape ngay'ong kami'y buhay at sa burol kung kami'y mamatay na kalul'wa'y pasal, tirik ang namumuting mata Inaykupu Nanay!!!"
Part of my childhood memories in my old barrio (village) in Marauoy, Lipa City, Batangas, Philippines