Sa isang hardin ako ay may namataan Isang dahong nakatungo at tila may dinaramdam Matagal kong pinagmasdan subalit di ko maunawaan Kaya naman nilapitan at nagsimula ng isang usapan….
Munting dahon, aking bungad, ikaw ata’y matamlay Sukli nya’y ngiting may kahalong lumbay At napansin ko ang pighati sa kanyang mata Hanggang tuluyan nang umagos ang saganang mga luha…
At sinambit nya…
“Oh ang rosas na puno ng ganda Lahat sa kanya ay nahahalina Subaling akong palagi nyang kasama Ni minsan di nabigyan ng importansya"
Dagdag nya...
"Ako’y nanliliit sa aking sarili Lahat ng suporta, sa iba ay ibinahagi Kay rosas, kay tangkay, sila ay aking tinulungan Sa abot ng makakaya, sila ay aking dinamayan
Subalit sa malakas na ihip ng hangin Dulot ng bagyong kayhirap pahupain Tila yata akoy’ nag-iisa at nalulugmok Ako ba’y pagkain lang ng uod na gutom?”
Oh kaibigan, akin na lang nasambit Huwag kang bibitaw at higpitan ang yong kapit Ang mundo ay di perpekto, ang laban ay di patas Panalangin sa Taas, gawin **** sandata at lakas.
Kung ikaw ay susuko, tagumpay ba'y makakamtan? Ang iyo bang paglisan ay kaligayahang inaasam? Tumayo ka nang matatag at sa buhay ay lumaban Ano ba't ang lumbay ay sadya ren paparam...