Alam kong ako ang laman ng isip mo Alam kong ako ang laging sambit ng bibig mo Alam kong ako ang tinitibok ng puso mo Alam kong mayroong 'ako' sa mundo mo
Puyat ka sabi mo Kakahintay sa reply ko Pagod ka na sabi mo Kaka-dial sa number ko Ayaw mo na sabi mo Dahil wala man lang akong reply ni isa sa mga text mo
Alam kong ayaw mo na Alam kong pagod ka na Alam kong sobrang nahihirapan ka Pero pasensya ka na Hanggang dito lang talaga
Minsan naisip ko Dapat nga magpasalamat pa ako Dahil dumating ka sa buhay ko Pero pasensya na... hindi ikaw ang pinangarap ko
Sinubukan kong isipin ka Sinubukan kong mahalin ka Pinilit kong maging masaya Pinilit ko kahit hindi kaya Paulit-ulit, walang palya Araw-araw, gabi-gabi Sinasabi sa sariling dapat ikaw lang Naniniwala sa kasinungalingang 'tayo lang'
Sana nga ikaw na lang Sana nga tayo na lang Sana hindi na lang sya
Pero pasensya na talaga Sinubukan ko naman Pinilit ko naman
Pero tama na siguro na magising tayo pareho Tanggapin mo na lang ang pasya ko Dahil dito sa mundo ko walang ikaw at ako May iba akong gusto at hindi ikaw ang taong iyon