Di na maitatanggi, Bakit pa ba ikukubli? Ano pa ba ang dahilan? Bakit pa ba magmamaang-maangan?
Alam natin ang totoo, Ngunit pinilit nating isantabi ito, Nag-uusap bilang magkaibigan, Pinag-uusapan ang mga hinahangaan.
Alam kong alam mo, Alam **** ikaw ang gusto ko, Ngunit di ka nagpadaig, Kahit na sa tingin ko'y minsan kang kinilig.
Sa bawat pag-uusap, nagpaparinigan, Mga bagay tungkol sa taong hinahangaan, Subalit kilala naman natin sila, Sa katunayan, kilalang kilala.
Ngayong gabi, ako'y naglahad, Ng mga damdaming sasabihin **** nasagad, Mga sitwasyon kung saan di mapalad, Mga sitwasyong sa iba ang isa't-isa napadpad.
Mga landas nga kaya nati'y magiging isa? O magtatagpo lamang at humayo na sa isa't-isa, Walang may alam sa atin kung ano ang tiyak, Sa mga sa landas na kasalukuyang tinatahak.
Mananaig kaya ang tadhana? O ang damdaming nagwawala? Ano kaya ang magtatagumpay, Sa pag-ikot ng gulong ng 'ting buhay.