Nagtagpo ang ating mga salita Higit sa isang sandali Yung isang sandaling hindi panandalian At kalakip ng ating tila kaytagal na hintayan Ang sinasabi nilang heto na Heto na pala ang pangmatagalan.
Nagtagpo ang ating mga ulirang mga puso Kasama ang bawat sakit na hanggang ngayo'y pasan-pasan pa rin natin. Kasama ang bawat agam-agam, Kasabay ng kanyang pagluwas buhat sa mga makakapal na ulap Ang pagtanghod ko sa muli nating pag-uusap.
Nagtagpo ang ating mga damdaming Marupok pa sa kahoy na hinayaang anayin. Kung saan ang bawat pako'y nag-iwan ng mantsya at kalawang. Nagtagpo ang ating mga basag na pangarap Ang mga pangakong hinayaan nating Matunaw sa likido ng galit at pait.
Nagtagpo ang ating mga paningin Sa hindi inaasahang tambayan Sa tambayan ng damdaming Akala nati'y wala nang lusot para sa kinabukasan At kasabay ng minsan nating pag-aaksaya ng panahon Sa pagpapaligaw sa mga mabubulaklak na salita, Tayo ay nagtagpo na may iisang luha sa iisang garapon.
Nagtagpo tayo sa basag na nakaraan At hinapo sa bawat piyesta ng masasakit na mga salita Bagkus sa likod ng bawat "ayoko na" at "bahala ka na" Ay sabay tayong nagtagpo at nagtago ng ating mga dala-dala.
Doon ka sa kaliwa at ako naman sa kanan Doon tayo sa magkasalungat na landas Kung saan ang oras ay posibleng di na magsipaglihis pa Na ang aking umaga ay di mo na gabi At ang aking gabi ay di mo na umaga. Kung saan ni isa'y di na aalis At kung saan ang lahat ay posibleng di na magmintis.
Baka doon -- Baka sakaling matagpuan nating muli ang isa't isa.
---
Minsan, napadpad ako sa karagatan Kung saan ang bawat hampas ng alon Ay tila kumpas na lamang ng nakaraan Na ang dating puting buhangin Ay unti-unti nang nanumbalik Akala ko'y isang panaginip Pero doon ay may subalit -- Subalit na napakaganda.
Ako'y saksi sa pagluha ng langit nang pabaliktad Na parang ang lahat ng maganda sa dalampasigan Ay unti-unting inanod At akala ko'y di na makababalik.