Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2017
Ngayon gusto ko ng lumayo
Pagkat wala ng magiging tayo
Dahil magkapiling na kayo
At wala naman talaga akong pag asa sayo

Gayunpaman wag mo sanang kalimutan
Na ika'y aking minahal ng sukdulan
Umabot pa ito sa kalangitan
Ngunit bumagsak din sa karagatan

Ngayon ako'y mag isa
Dahil ang pagmamahal ko sayo'y wala ng bisa
Pero di ko pa rin makakalimutan ang lasa
Ng tamis na binigay mo sa buhay ko noong umpisa

Ito sanang aking ginawang tula
Ay magsilbi sayong paalala
Na kaya ko pa rin abutin para sayo ang mga tala
Kahit alam ko ang pag asa ko sayo'y walang wala
Written by
Mark Coralde
  460
   Anna Patricia
Please log in to view and add comments on poems