Isa tayong di perpektong nilalang Kaya nadadala tayo sa mga bagay na mapaglinlang Akala tuloy natin sa buhay laging kulang Pagkat maraming oportunidad ang nasasayang
Maraming desisyon sa buhay ang ating ginagawa Desisyon na kung saan may mali at tama Mali dahil sa tayo'y nasaktan sa resulta Tama dahil sa tayo'y naging maligaya