Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2017
Sa isang maliit na pasilyo, ikaw ay dumaan. Napansin ang isang animo ay silid-aklatan. Dala ng iyong pagka-mausisa ay tinungo mo ang silid ng walang pag-aalinlangan.

Marahan **** binuksan ang pinto. Dinig na dinig mo ang tila langitngit nito hanggang sa makapasok ka. Sa loob ay tumambad sa iyo ang nanari-saring mga imaheng minsan mo lamang nakita.

Iginagala mo ang iyong paningin nang mga oras na iyon nang biglang umandap-andap ang liwanag sa dilaw na bombilyang naroon. Nakaramdam ka ng panlalamig. Nagsitayuan ang mga balahibo mo sa batok, kamay at paa.

Takot at kaba ay pumailanlang at agad **** tinungo ang pintuan ngunit, hindi mo na iyon mabuksan.

Ilang sandali pa ay napatitig ka sa isang aparadorΒ Β na kasing tangkad mo lamang. Naririnig ng iyong mga tainga ang tunog na may kumaluskos sa loob.

Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay kusang naglakad ang iyong mga paa sa kinaroroonan niyon. Kusang hinawakan ng iyong dalawang kamay ang hugis putol na sanga ng kahoy na hawakan ng aparador.

Nang iyong mabuksan ay bigla ka na lamang nilamon papasok sa loob hanggang sa sumara ito at hindi ka na nakalabas.
Written by
Eugene  Manila, Philippines
(Manila, Philippines)   
  1.1k
   Sally A Bayan
Please log in to view and add comments on poems