#ChangeIsComing ngunit wala namang binago Ang mahirap ay tumba, ang mayaman ay nagtago Inosenteng nadadamay, diniktan ng karatula Bangkay na nakahandusay, hindi na bibigyang hustisya.
Halina, doon sa bago kong tahanan Ang tawag ay kulungan ngunit marami do'ng libangan.
Pinuno, leader ako ng sindikato Kung tawagi'y bilanggo ngunit sinusunod ang luho.
Mga alipin ko'y parak Mg bataan ko ay trapo Pamilya'y bilyonaryo Ang negosyo'y protektado.
Unlimited supply—'yan ang tunay kong pangako Subok kong mga suki, wala pa rin namang nagbago Tuloy lang ang bentahan, dito tayo sa taas Ngunit tatandaan: kikitilin lahat ng Hudas.
Ako'y panginoon at walang katalo-talo Agimat ko ay tsapa, baril ang gamit kong rosaryo Ako ang humuhuli sa sarili kong buntot Ang mahina **** kokote ay aking pinapaikot.