Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#literactivism
Batong niluluto, tinutunaw, tinuturok Dahong sinisinghot, hinihithit, pinapausok Dukhang nahuhumaling, hinuhuli, pinapatay Mayamang sinungaling, tumatakas, kumakampay #ChangeIsComing ngunit wala namang binago Ang mahirap ay tumba, ang mayaman ay nagtago Inosenteng nadadamay, diniktan ng karatula Bangkay na nakahandusay, hindi na bibigyang hustisya. Halina, doon sa bago kong tahanan Ang tawag ay kulungan ngunit marami do'ng libangan. Pinuno, leader ako ng sindikato Kung tawagi'y bilanggo ngunit sinusunod ang luho. Mga alipin ko'y parak Mg bataan ko ay trapo Pamilya'y bilyonaryo Ang negosyo'y protektado. Unlimited supply—'yan ang tunay kong pangako Subok kong mga suki, wala pa rin namang nagbago Tuloy lang ang bentahan, dito tayo sa taas Ngunit tatandaan: kikitilin lahat ng Hudas. Ako'y panginoon at walang katalo-talo Agimat ko ay tsapa, baril ang gamit kong rosaryo Ako ang humuhuli sa sarili kong buntot Ang mahina **** kokote ay aking pinapaikot.
0
Aug 10, 2017
Aug 10, 2017 at 1:57 PM UTC
Tugisin Ang Mga Adranika
Gusto ko ring maranasang makulong para naman magka-thrill kahit kaunti ang buhay kong napaka-boring. Pero gusto kong makulong nang walang ginagawang anumang krimen. At a loob ng kulungan ay pabahuan ng hininga, kili-kili, puwet at singit; paramihan ng libag sa leeg, tinga sa gilagid, kalyo sa labi, at tartar sa ngipin. Doon na rin masusubok ang aking pagiging best actor sa pagkukunwaring makadiyos ako sa pagdadala ko ng banal na libro sa lahat ng oras, minu-minuto upang parolya ay aking matamo at kinabukasan ay laya na ako. Hustisya ay kaydaling laruin, sistema ay kaydaling butasin, buong kuwento ng aking tula ay uulit-ulitin.
0
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 12:30 AM UTC
Hacking the Justice System