Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2017
'Wag muna nating tuldukan
Ang paglalakbay sa dilim
Kung saan ito patungo
Alamin muna natin bago gumabi

Malay mo sulit pala ang lahat ng luha at tula
Ang mga pakikinig sa ulan
Ang mga bakanteng titig sa kawalan
Ang madalas na pagpigil sa sariling tumakbo palayo

Palayo sa hapo
Sa sakit na medyo sobra na
Sa pilit na bulong na 'kaya pa'
Siguro, siguro...

Palapit na ang bituin at buwan
Magsisimula na ang sayaw ng mga alitaptap
Kaya dito muna tayo
Wag muna nating tuldukan.
Kenēn
Written by
Kenēn  Japan
(Japan)   
1.0k
   Lior Gavra
Please log in to view and add comments on poems