Kay bilis ng pagdaan, Mahirap mapansin, mamalayan, Sa dami ng mga pangyayari, Saan nga ba na-uwi?
Mga panahon na gustong maranasan, Palalampasin ba ang pagkakataon? hahayaan? Huwag naman sana, baka pagsisihan, Desisyon nga dapat ay pag-isipan.
Pagkakatao'y di na gustong pakawalan, Kahit tinig mo man lang ay mapakinggan, Pagkakatao'y di na kayang palampasin, Makausap ka kahit di mo man mahalin.