Ako'y mailap Pag si Ina'y kapiling Kung ako'y umasta parang Hindi sya nakikita Parabang sa isip ko'y ako lang Mag-isa
Anong mali? Tanong ko sa sarili Anong mali at ganito ako Umasta, Sa harap ni Inay na nagbigay Buhay sa kagaya kong walang Kwenta
Pero bakit ba? Gusto ko ba na isilang nya ang Kagaya kong basura na ay wala pang kwenta?
Sukdulan na siguro Ang hinanakit ni Ina sa akin Kayat luha nya'y hindi na napigil Ako'y sinumbatan Lahat ng kamalian ko'y Sinambit Sa unang pagkakataon Si Ina ay nagalit
Ako'y nagtaka Sa aking nadarama Ang puso ko'y bakit tila sasabog na Sa nakitang luha Na umagus pababa
Isang gaya ko Ang nagpaluha sa Kanya O, anung hirap at Sakit pala Ang makitang lumuha Ang Ginang na nagpalaki't umaruga Sa gaya kong walang kwenta
Ngayu'y alam kuna Ang damdamin ni Ina Ako ay nangakong Magbabago na, upang damdami'y ni Ina hindi na masaktan pa At brilyante nyang mata'y hindi na tumangis pa
Ang mahal kong Ina nasa malayo na Paano na ang pramis ko Tila naging abo na
Masakit isiping Pagmamahal ay di naipadama Sa nag-iisa kong Reyna Na nagpahalaga sa kagayakong basura na'y wala pang kwenta
Sumilip ang Araw Sa mata kong nakapikit Kahit natakluban na ng luha ang mata Batid kong si Ina'y nasa tagiliran ko pala Nakatayo at nakangiti,may alay na pagmamahal ang brilyante nyang mga mata
Hinagkan ko si Nanay Tudo bigay ang dabest kong yakap Sabay dampi ng matamis kong halik sakanyang pisngi Batid ko si Nanay ay nagtaka Tila nagulat pa nga sa bago kung pag-asta
Labis akong nasaktan Sa panaginip na handa ng may kapal Tiyak ako'y kanyang sinubok Upang malaman ko na ang halaga ni Nanay ay di lamang sintaas ng bundok Kundi sinlawak din pala dagat
Ang mahagkan pala si Nanay Ay Walang kasing sarap Sa haba nang panahon sanay Noon kupa nadanas Ang mayakap si Nanay kahit gaano pa katagal Ay hindi ako magsasawa Ohh,kay saya maranasan ang ganito Ang makapiling si Nanay Buo na ang araw ko
Ang pramis ko Nay ay isa lang Mamahalin kita higit pa sa buhay kong taglay basta ba dito kalang at hindi lilisan