Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#nanay
Ang takip-silim ay tuluyan ng natapos Liwanag ay hindi na muling masisilayan Gaya ng paghawak mo'y hindi na kailan man mararamdaman Dapat ba kong mapanatag na ika'y nasa kapahingahan Gayong kapalit naman labis kong kalungkutan Ngunit sino ba ko para kwestyunin ang kagustuhan nya Ako'y isa lamang din alabok Kaya't mag pahinga kana sa piling ng Maykapal Satin muling pag krus ng landas Ikaw at ikaw parin ang NanaykongMahal ❤️
0
Sep 15, 2025
Sep 15, 2025 at 9:25 AM UTC
Nanay kong Mahal
Nanay, isa lang gusto ko, Yung kayanin mo pa hanggang sa kaya ko na.
0
Aug 3, 2020
Aug 3, 2020 at 10:28 AM UTC
Untitled
Ang lakas ng ulan Pero, nandito pa rin ako Naghihintay. Ang lakas ng paghampas ng ulan sa aking likod Pero, nandito pa rin ako Naghihintay Ang unang tingin niya sa akin, Noong pinanganak pa lang ako Ay hindi tinging na ibinibigay ng nanay Ang mga mata niya Punong-puno ng alat na makikita mo lang sa dagat Dahil, hindi ako parte sa mga balak niya. Pero, baka dahil lang sa kanyang konsensya Pumunta siya sa ibang bansa. Niyuko niya ang kanyang ulo para maitaas ko ang akin. Binuhos niya ang kanyang pagkatao para ako’y makakain. Kahit hindi ako parte sa mga balak niya Minahal pa rin niya, ako. Kaya, nandito ako, naghihintay. Sa harap ng libingan ng kanyang nanay. Ang lakas ng ulan Pero, nandito pa rin ako Parang noong Nandoon siya para sa akin.
0
Jun 29, 2020
Jun 29, 2020 at 7:59 PM UTC
Tag-ulan
Ulap sa lupa ang maputlang buhok Sing kinang ng pilak, sing pilak ng usok Isang obra maestrang handog ng Panginoon Sagisag ng nakalipas na halos isang daang taon Sa balat malinaw ang mga lumipas na panahon Tigib sa pinong linya at kulubot Sa mukha nama’y walang kolorete, alahas o pulbos Kasing kinis ng balat ng masintahing musmos Sa mga mata’y nakalubog ang karanasan at karunungan Naipon ng mga pagkakamaling pinagdaanan At ang mga tala sa langit, bumababa sa lupa Napunta ang kinang sa mga matang minsan nang lumuha Ang gaspang ng buhangin sa palad ay ipinasa Marka ng walang katapusang pag-aalaga Sa kanilang buhay ay alumpihit, pagod Upang tayo ay mabuhay ng malugod. Lahat ng sugat, pagod, galos, at kulubot Ito’y pagmamahal ni inay na walang pag-iimbot Sana’y maunawaan mo ang nakikita ko Sa puting buhok at gaspang ng palad kagandahan ay totoo
0
May 9, 2019
May 9, 2019 at 12:12 PM UTC
Sa Kagandanhan ng Puting Buhok
Mayroon akong gustong ibahagi sainyo Isinulat ko lamang ito para sa mga interesado Meron na kasi akong napupusuang isang tao Pero teka lang, atin-atin lamang to Di ko alam kung paano sisimulan Pero alam kong gustong-gusto nyo ng malaman Kung sino nga ba ang aking naiibigan Kaya't heto na, inyo ng matutuklasan Sya'y isang mananayaw Napaka astig ng kanyang mga galaw At talagang siya'y mahusay Habang pinapanood ang kanyang pagganap, ako'y napapa WAW! Ako'y lalo pang humanga Nung nalaman kong sya'y manlalaro din pala Pero hindi ng feelings ah! Yung larong ang gamit ay shuttlecock at raketa Marami-rami na din akong alam tungkol sa kanya Syempre! Lagi akong updated sa kwento ng buhay nya Ayokong nahuhuli sa balita, hindi naman sa pagiging chismosa Kase baka mamaya di natin alam may jowa na pala, edi nganga! Natutuwa lang ako dahil close na kami ngayon Di ko akalain na magkakaganon Kasi dati pinapangarap ko lang yon Masaya na din, pero di na ako naghahangad ng higit pa roon Marami na pala syang naka fling Kaya ako naman noon, umaasa at nag fi-feeling Nagbabaka sakaling mapapansin nya rin Ang ganda kong walang kadating-dating Lungkot lang dahil di nya pansin Na ako sa kanya'y may pagtingin Hindi ko alam kung kailangan pa bang aminin O kaya'y akin na lamang ililihim Pagkat tungkol dyan ay di ko kayang tapatin Martir na kung martir, tatahimik na lamang at titiisin Pero maiba tayo Sa mga oras na to, Di ko alam kung lalabas pa ba ako ng kwarto O magkukulong na lang dito At saka bubuksan ang pinto pag wala ng tao Malamang nabasa na to ng mga magulang ko Kaya't ihahanda ko na ang sarili ko Pagkat mamaya pag nakita nila ako, Sasalo ako ng gabot, hampas, palo Hanggang dito na lang, Damay-damay na to!
0
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 10:23 PM UTC
NADALE AKO

Continue reading...
45
Tuwing sasapit ang araw na ito, Umiiyak ang puso ko dahil sa iyo. Nalulungkot, nangungulila sa isang tulad mo na magpa-hanggang ngayon ay wala ka na sa tabi ko. Lagi akong nakatitig sa kawalan Bigla na lamang tutulo ang mga luha at luhaan, Paano ko ba ito maiibsan kung pati libingan mo ay hindi ko rin malapit-lapitan? Nais ko lamang sabihin sa iyo na kahit tahimik pa rin ang mundo sa puso ko, walang ibang makakapantay sa pagmamahal na inalay mo dahil bukod-tangi ka dito sa tumitibok kong puso. Hindi ko alam kung saan dadalhin ng puso ko ang kalungkutang ito Pero alam ko sa puso kong nananabik at mananabik pa rin ako. Hintayin mo ang pagbisita ko dahil gagawa ako ng paraan upang sabihin sa iyo, Na mahal na mahal kita, mahal na ina ko.
0
May 12, 2018
May 12, 2018 at 9:58 PM UTC
Mahal Kong Ina
Ako'y mailap Pag si Ina'y kapiling Kung ako'y umasta parang Hindi sya nakikita Parabang sa isip ko'y ako lang Mag-isa Anong mali? Tanong ko sa  sarili Anong mali at ganito ako Umasta, Sa harap ni Inay na nagbigay Buhay sa kagaya kong walang Kwenta Pero bakit ba? Gusto ko ba na isilang nya ang Kagaya kong basura na ay wala pang kwenta? Sukdulan na siguro Ang hinanakit ni Ina sa akin Kayat luha nya'y hindi na napigil Ako'y sinumbatan Lahat ng kamalian ko'y Sinambit Sa unang pagkakataon Si Ina ay nagalit Ako'y nagtaka Sa aking nadarama Ang puso ko'y bakit tila sasabog na Sa nakitang luha Na umagus pababa Isang gaya ko Ang nagpaluha sa Kanya O, anung hirap at Sakit pala Ang makitang lumuha Ang Ginang na nagpalaki't umaruga Sa gaya kong walang kwenta Ngayu'y alam kuna Ang damdamin ni Ina Ako ay nangakong Magbabago na, upang damdami'y ni Ina hindi na masaktan pa At brilyante  nyang mata'y hindi na tumangis pa Ang mahal kong Ina nasa malayo na Paano na ang pramis ko Tila naging abo na Masakit isiping Pagmamahal ay di naipadama Sa nag-iisa kong Reyna Na nagpahalaga sa kagayakong basura na'y wala pang kwenta Sumilip ang Araw Sa mata kong nakapikit Kahit natakluban na ng luha ang mata Batid kong si Ina'y nasa tagiliran ko pala Nakatayo at nakangiti,may alay na pagmamahal ang brilyante nyang mga mata Hinagkan ko si Nanay Tudo bigay ang dabest kong yakap Sabay dampi ng matamis kong halik sakanyang pisngi Batid ko si Nanay ay nagtaka Tila nagulat pa nga sa bago kung pag-asta Labis akong nasaktan Sa panaginip na handa ng may kapal Tiyak ako'y kanyang sinubok Upang malaman ko na ang halaga ni  Nanay ay di lamang sintaas ng bundok Kundi sinlawak din pala dagat Ang mahagkan pala si Nanay Ay Walang kasing sarap Sa haba nang panahon sanay Noon kupa nadanas Ang mayakap si Nanay kahit gaano pa katagal Ay hindi ako magsasawa Ohh,kay saya maranasan ang ganito Ang makapiling si Nanay Buo na ang araw ko Ang pramis ko Nay ay isa lang Mamahalin kita higit pa sa buhay kong taglay basta ba dito kalang at hindi lilisan
0
Apr 26, 2017
Apr 26, 2017 at 2:22 AM UTC
Promise ko inay

75
For every time I've talked about saving this world with song For every time I've left my soul on a stage For every time I've gotten up after being cut and bruised For every time I've quarrelled with my demons and won For every time I've taken the hard road and made it to the end For every time I've been praised by my peers for having a good heart For every time I've been told "I look up to you" by someone close For every time I've looked at myself in the mirror and told myself "You look amazing. You're going to have a great day", I think of you. So though we may differ in opinions Or don't see eye to eye at times, Some things are just better together, and I'm only better because of you.
0
May 14, 2017
May 14, 2017 at 5:57 AM UTC
Nanay. (Mother)