Ang puso ng nakaraan ay unti-unting nasusugatan Di mo napapansin ang tahi ay unti-unting nabubuksan Sa paglipas ng araw ang hapdi ay lalong tumitindi Parang apoy ang init sa katawan ay dumadampi
Nasasanay na sa ganitong sistema Wala ng usapan magpanggap na lang di nagkakitaan Sanayin ang sarili sa pagkawala ng isa Ang luha ay pigilan balewala lang kung dumungaw
Sa iba ibaling, paningin at isipan Humanap ng kakampi sa ibang tao kung maaari Sandamakmak na galit subuking maiwaglit Ang tropeo nito sa dulo ng laro makikita.