Noong mga panahon na akoy natutong mangarap, Sa puso ko ikaw na agad ang hinanap Hindi ka nawawala sa aking hinagap para sa iyo,kakayanin ko lahat ng hirap
Nang tumuntong ako ng sekondarya Ikaw pa rin ang gusto at wala nang iba ikaw ang tanging saki'y nagpapaligaya Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana Nang ako'y malapit na,inilayo kang bigla Sa guhit ng palad ko, bigla kang nawala Naglaho ka nalang na para bang bula
O kay sakit isipin aking mahal Aking mga ilusyon di na kayang magtagal hinahangad kong mga parangal Tila mananatiling isang mahabang dasal
Madalas ko ngang nadarama malapit ka nalang talaga pero hanggang pangarap na lang ba? Dahil sadyang maraming humahadlang Kahit na pag -asa ang pananggalang Sadya kang ipinagkakait sa akin Pilit kang inaalis sa aking landasin Kaya't patawad kung susuko na ako Pagkat di kita makakamit kahit na anong gawin ko !