Maraming tanong sa isip ko At isa na doon kung meron bang tayo Ngunit hindi mo ako pinapansin Katulad ng iyong emosyon, mahirap basahin
Ngayon ay umaasa parin ako Sa sinabi nila na gusto mo daw ako? Ako'y kinilig at napatalon sa sobrang saya Pero hindi ko maiwasan na mag isip kung meron nga ba?
Hindi ko alam kung nalaman mo na Na ako'y may lihim na pagkagusto, hindi ba halata? Siguro sa sobrang pagka-manhid mo Hindi mo alam na may umaasang tao sayo
Hindi ko alam kung anong iyong pahiwatig Lalo na ang mga nakakalusaw **** titig At sa tuwing ika'y napa-padaan Hindi ko mapigilang humanga at ika'y pagmasdan