Nakulob na ata ako Anong silbi ng mga patlang at espasyo? Nagagalit tayo sa tono ng pangungusap Ngunit kung may kuwit nama'y Magtataka tayo bakit may paghinto -- Baka kasunod na'y pagkitil ng talata.
Hindi natin alam ang takbo -- Kung saan hihinto ang nasimulan na. Pero nakikipagsabayan pa rin tayo. Hindi natin alam ang takbo Eh baka naman kinaligtaan lang talaga Tapos, nakaalis na pala Tapos, tapos na pala.
Bibigyan kita ng blangkong papel Di para dungisan mo ng tinta Di para guhitan mo ng sari't saring parirala Hayaan **** magkusa ito Na parang pagpipinta sa napakalawak na pader Na parang wala kang nais gawin Kundi maging isang malayang sining at katha.
Hindi sya makasarili Pero mabubuhay siya nang kanya.