Unang pagkikita natin sa ating pinasukan Parang hangin lamang na dumaan Tuloy tuloy pa rin sa paglalakad Na parang may importanteng lakad.
Ako ay parang isang sirang mata Na walang kakayahang makakita Nang isang rosas na putuloy na bumubuka Dahil sa taglay nitong glamorosa.
Subalit sa mga sumunod na araw at tayo’y nagkakilala Para kang isang ilaw na hindi maalis sa aking mga mata Na kahit saan magtungo ang aking mga mata Ikaw pa rin ang nakikita.
Ako’y nagagalak Sa tuwing tayo ay humahalakhak Na parang ang puso’y pumapalakpak Ang paglisan ay hindi ko minsang binalak.
Sa sandaling tayo’y magkausap Pakiramdam ko ako’y nasa ulap Na kung maaaring hindi na kumurap Upang ang pag-uusap ay lalong sumarap.
Subalit ang oras ay napakabilis malagot Kaya’t ako’y nakaramdam ng matinding takot Na mangyari ang isang bangungot Na baka sa susunod hindi ka na sumagot.
Nagpatuloy ang mga araw na dumaan Ika’y patuloy kong pinagmamasdan Na habang ako’y umiisip ng daan Upang ika’y malapitan.
Nagdaan ang araw at buwan Habang ika’y aking pasekretong pinagmamasdan Ako’y lubusang naguguluhan Kung bakit laging ganyan.
Di nagtagal ako’y may naramdaman Na pakiwari ko’y dahil ika’y nasilayan At nakilalang lubusan Na pilit kong inaalis sa aking isipan.
Subalit ako’y nabigo Sa aking pagtatago Nang nararamdamang nabuo Sa palagiang pagtatagpo.
Isang araw ako’y humantong sa isang pagtatapat Na isang daang pinag-isipan kung ito’y nararapat Kahit na natatakot na ako sayo’y di pa sapat Pero ito’y aking nilabanan dahil ang layunin ko sayo’y maging tapat.
Sa aking pagtatapat lubha akong nalungkot At natakot; Na baka ako’y masangkot Sa isang pangyayaring masalimuot.
Nang ika’y makilala mahal na kita Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka pa lang iba Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan.
Ilang araw ang nakalipas ako’y di mo na pinapansin Mga matatamis na ngiti na dulot natin Unti unti nang nagiging asin Na sa alat di na maatim.
Iniisip na lang na ika’y natatakot akong mahalin Na baka saan pa tayo dalhin Na sana’y aking dasal ay dinggin Na ako’y iyong mahalin.
Nagdaan ang mga araw Ako’y nahumaling makinig ng malulungkot na kanta Na nagpapabalik ng masasaya nating alaala Na sa isang iglap lamang nawala na--na parang bula.
Ito ang nagdulot sa akin ng pighati Dahil simula pa noon ikaw na ang tanglaw sa aking mga gabi Ikaw ang liwanag sa araw kong hinahabi Na ikaw lamang ang makakapagbalik ng kulay sa pusong nagbigti.
Paano kung sabihin ko sa’yong ayoko na? Hindi ko na kaya kung patatagalin pa Sapagkat ga’no man kalalim akong nahulog Natatapos din ang himig ng awit at tugtog.
Paano kung sabihin ko sa’yong napapanahon na Na ako’y lalayo na Dahil kahit gusto ko mang kumapit pa sa’yo Pareho tayong mahihirapan kung ‘di lalayo.
Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko, Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?” .
Subalit puso ko’y ikaw ang pinili Na kay tagal kong itinago sa aking sarili Sa isang iglap at sandali Ako’y napapili kung ikakasaya mo ba o ikasasaya ng aking sarili.
Labis man akong nasisiyahan pag ika'y nakikita Labis man akong natutuwa na ika'y nakikita kong masaya Kahit nasasaktan, basta masaya ka Okay na!
Dahil ang pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit Pag ibig na handa siyang palayain Pag ibig na nasayang at napuno ng kalungkutan Pag ibig na nauwi sa masakit na paalam.
Dahil sa’yo natutunan kong maging matatag Natutunan ko ang tunay na pagmamahal Pag ibig na minsan, nagsisimula sa katapusan Na sanay pagmamahal ay mapalitan.
Kaya’t ngayon dahil sa ako’y lubusang nasaktan Akin munang kakalimutan ang magmahal Dahil sa luha kong mahal Kinalimutan kong magmahal dahil baka ikaw at ako’y di magtagal.
Naka-tadhana bang masaktan o naka-tadhanang makahanap ng taong gagamot sa pusong nasaktan?