Sabi nila, lahat ay nangyayari sa tamang panahon, Ngunit hindi ko na maalala ang huling beses na sumang ayon ang tadhana sa akin Minsan nag dududa na ako kung may tamang panahon pa nga ba Ilang sakit pa ba ang kailangan tiisin bago matamasan iyon?
Nung nakilala kita, akala ko tama na, akala ko ayun na Akala ko ang tamang panahon ay naririto na Ngunit hindi parin pala Sa puso mo'y may nagmamay-ari na pala
Wala akong ibang magawa kundi ang palayain ka Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan Kung bakit pinag tatagpo ang dalawang pusong pipigilan din naman Ito na ata ang pinaka masakit sa lahat, ang pigilan ang nararamdaman
Ilang paalam pa ba? Ilang pag papa-raya pa? Ilang pag titiis pa upang magawa lamang ang tama? Ilang luha pa ang kailangan pumatak sa aking mata?
Kailan kaya maranasan at maramdaman ang saya Yung saya na nananatili hanggang sa pag gising mo kinabukasan Hindi ko alam kung kelan ang huli Huling beses na masasaktan ako bago ko maranasan maging masaya