Nandito tayo sa unang parte na di ko alam kung paano naiwasto Hinihintay ang inaasam na pagbalik mo Tulad ng aso na nag-aabang sa paguwi ng kanyang amo Ikaw ang kalakasan at siya ding kahinaan ko Daig ko pa ang isang tanga sa pagiging uto-uto
Nandito tayo sa iisang bangka ng ating paglalakbay Ako yung nagsasagwan ngunit ikaw yung unang nangalay Kaya pala nanlalamig na parang isang bangkay Ang mundong nilisan ay hindi na maipapantay Bulaklak na sabay itinanim ay simula ng mamatay
Nandito na ako at hawak ang libro, ililipat na sa huling pahina Ang mga sigaw na naging mga bulong na sa hina Hirap na tiniis at pighating matagal ng gustong kumawala Nagwawala, nawawala, na parang ibong na sa hawla Dalawang pusong pagod, na kailangan ng mag-pahinga at huminga