Pinaiyak, hindi napaiyak Sinaktan, hindi nasaktan Pinaasa, hindi napaasa Naiwan? Baka iniwan
Hindi maaring sabihing napaasa mo kung Ni minsan hindi mo ginustong saluhin Hindi tamang sabihin na naiwan mo siya Dahil hindi niya ginusto sumama sa landas na alam **** ayaw niya Hindi katanggap tanggap ang sabihin **** "pasensya at nasaktan kita" habang wala siya sa isip mo nung mga panahong nagsasaya ka sa mga bagay na ika-lulungkot niya Hindi tama
Mali May pagkakaiba sa dalawa Hindi ito isang aksidente Sinadya mo, ginusto mo
Ngayon Sinanay niya ang sarili na wala ka Pinili niyang maging masaya ng hindi ka kasama Ngunit wala kang magawa, hindi mo sinasadya, diba?