Yugyugan, walang hele Galit at poot, walang tuldok. Bayan, Bayani at Rebolusyon Dugo, Latay at Krus.
Pintasan sa saradong Libingan ng mga Bayani Pasismo'y binabali Demokrasya'y katunggali. Hampasan ng Hustisya, Latay ng Pagtutuligsa. Kalampag ng mesang panay barya Sigaw ng paghain ng kamatayan.
Bukas ang Pintuang tila batong hinati Uhaw, sawing-palad, May luwad na dalamhati. Di makilala, suyod nang kaladkaran, Saboy ng pighati. Walang bahid, walang bisa -- Hindi maramot ang May Grasya.
Negosyo sa pulitika Kalakal ng mga salita. Palimos nang makaraos Lusong, tapon, salo at ahon -- Yan ang pagtatapos -- Isa, dalawa, tatlo Tatlumpu't tatlong taon.
Inihanay ba Siya sa mga Bayani? Hindi. Nalimot ba ang Kasaysayan? Hindi. Ang natatanging Kasaysayan, Tanging Kristo ang tutuldok Tanging Kristo ang saysay Walang iba, tapos na.