Maari ko bang masabing, iniiwasan ko ang pag-ibig? Para bang sinasabi kong pinipigilan ko na ang huminga? Lumanghap ng buhay at magtaboy ng karamay? Sinasabi ko ring araw-araw na ang aking lamay
Hindi ako sumusulat ng tula ng poot Pawang pag-ibig lamang na sa dugo'y nanunuot Pagkahalina sa pag-iisa at paglalakbay Pag-ibig na lamang ang sa tao'y bumubuhay
Iniibig ko ay hindi ang tinubuang lupa Kundi sa mundong unos na ang sinagupa Hinati ng porma ng pag-ibig sa sarili at kapwa Nang bakuran, tinatawag nating ngayong mga bansa
Kung ang ideya ng mga tao'y di magkakapareho Paanong lahat tayo'y magkakasundo? Pag-ibig na dalisay sa pagtanggap Hindi huwad, malinis at di nagpapanggap