Hahayaan na lang ba na balewalain ang aking pagsinta? Hahayaan na lang ba na ako ay tuluyang madapa? Paulit-ulit mo man akong saktan Hindi ko pa kaya na ako ay lumisan
Kung ako ay sadyang hindi na mahal Kung sadyang hindi mo kayang samahan Sana ay sabihin mo sa akin ng harapan Upang masaktan man ay mula sa iyo ang katotohanan
Kahit madalas ay ipakita mo ang tunay na nadarama Kahit madalas ay nararamdaman kong ayaw mo na Kahit madalas na alam kong napipilitan ka na Pinipilit kong huwag bumitiw sa iyo, sinta
Hindi ako bibitiw hanggaβt hindi mo sabihing tama na Hindi ako titigil hanggaβt hindi mo sabihing ayaw mo na Kung nais mo ay huwag na ako makita Sabihin mo lang sinta, ako ay aalis na