Ako ba'y naghihintay sa wala? Parang kay tagal mo nang nawala Ganun rin ba ang nadarama mo para sa akin Ako lang ba ang ganito sa atin?
Sarili ko'y pipigilan Hindi kita hahayaang malaman ang aking saloobin Lahat ay gagawin manatiling kaibigan mo Gagawa ng paraan para makasama mo
Hindi ako aamin Ayaw mo naman talaga sa akin Huwag mag-alala, ako'y lalayo na Pagkatapos ng Linggong ito, ika'y kakalimutan na
Damdamin ay hindi hahayaang lumago Natatakot na hindi mo naman kayang magseryoso Ano ang aking magagawa Hindi naman planado ang aking pagsinta
May mga bago ka bang babaeng kinakausap? May bago ka bang kinikilala? May bago ba na maganda, matalino, masayang kausap at kasama? Anong laban ko eh ayaw mo nga magkwento?