Huminga ulit ako nang malalim Pinipigilan kong pumatak ang aking mga luha Binasa ko ang mga tulang sinulat ko noon Binasa ko ang mga tulang nag-iwan ng bakas sa akin.
Wala na, pumatak na ang unang luha Di ko na maalalang sinulatan kita At na sa bawat salita ay naiisip ka Nalimot ko na ang masasaya.
Pumatak ang pangalawa At tuloy tuloy na ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata Hindi dahil sa puro sakit at lungkot ang naiwan sa akin Kundi dahil hindi ko maalalang minahal kita.
At habang binabasa ko ang mga linyang tumutugma Nagugulo ang isip ko sa mga salitang naisulat pala Masakit na wala na akong mabalikan Wala akong alaala at hindi na mauulit ang nakaraan.
Mahirap ang makalimot Ngunit alam kong mahirap pa ang malimutan Mahirap ang... Bakit ko ba sinusulat ito?